Responsive Ad

Ritz Azul 2 beses nawalan ng ‘baby’ bago mabuntis kay Zie; na-diagnose ng APAS

Ritz Azul 2 beses nawalan ng baby bago mabuntis kay Zie; na-diagnose ng APAS
Allan Guy at Ritz Azul kasama si Baby Zie

DALAWANG beses nakunan ang aktres na si Ritz Azul bago dumating ang isa sa biggest blessing sa buhay nila ng asawang si Allan Guy.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Ritz ang naging mapait na karanasan nila ni Allan bago isilang ang kanilang panganay na si Baby Zie.

Rebelasyon ng aktres, “Di ako nakapag-post ng details ng pregnancy namin kasi feeling ko nung time na yun uncertain lahat. Para sa mga nagtatanong, heto po yung story namin. 

“Year 2024 nagka-miscarriage kami. Early stage of pregnancy. Mid 2025, ectopic. Nagmelt siya on its own, no need ng surgery. Late 2025, nag-positive ulit and ito na sya,” ang post ni Ritz sa social media.

Pagpapatuloy pa niya, “Nu’ng nagpositive ulit, unsure kami. Di kami makapag-celebrate unlike yung unang positive test. 

“Itong 3rd positive test parang nandyan lang sya. Kinakabahan na baka mawala ulit pero siyempre nandyan ang pagtitiwala na ibibigay ng Diyos ang makakabuti para sa amin,” saad pa ni Ritz.

Hanggang sa dumating na nga sa buhay nila ang bonggang-bonggang regalo mula sa Itaas.

“Ang dami naming pinagpapasalamat sa Diyos. Isa doon ay kahit na high risk pregnancy, nakapag-normal delivery pa rin, sa tulong at awa Niya,” sabi ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi natin hawak lahat ng bagay. Wala tayong control sa lahat. Aside from ginagawa natin ang best natin, maganda rin na mag-pray at maging panatag na mangyayari ang mabuti para sa ’tin.”

Nag-post din si Ritz ng mga litrato at video kung saan mapapanood ang naging challenging journey niya sa pagdadalang-tao. 

Pag-amin ni Ritz, noong nagbubuntis siya, nadiskubre na meron siyang Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS), matapos makaranas ng contractions at bleeding.

Base sa isang health website, “APAS is a disorder in which the immune system mistakenly produces antibodies that attack the body’s tissues. The condition can lead to blood clots in arteries and veins and may increase the risk of miscarriage and stillbirth.”

Dahil dito, sumailalim si Ritz sa lymphocyte immunotherapy (LIT) mula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa siya’y manganak.

Ang “LIT” ayon sa mga eksperto ay, “specialized and experimental treatment that involves injecting processed white blood cells from a partner or donor to help the immune system better accept a pregnancy.”

Pahayag pa ni Ritz, “Hi, everyone! 1 month na ako. 1 month na ring walang complete sleep parents ko pero narinig ko sabi nila masaya naman daw sila. (Kita nyo yung last 2 photos?) ayun lang. gusto ko lang kayong i-update. – Zie.”

Matatandaang ikinasal sina Ritz at Allan noong November, 2021 sa Baguio City. Muli silang nagpakasal sa Palawan noong sumunod na buwan.

The post Ritz Azul 2 beses nawalan ng ‘baby’ bago mabuntis kay Zie; na-diagnose ng APAS appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments