Bongbong Marcos: 24 Pinoys pinalaya ni Russian President Putin

NASA 24 na mga Pinoy na nakakulong sa Irkutsk, Siberia ang pinalaya ni Russian President Vladimir Putin.
Ito ang naging anunsyo mismo ni Pangulong Bongbong Marcos matapos bumisita sa Russia kamakailan lang.
Sinabi pa ng ating pangulo na idinulog niya kay Putin ang kondisyon ng mga nakakulong na Pilipino sa kanilang pag-uusap.
“Nagulat din siya. Sabi niya, hindi ko alam ‘yan. Pag-aaralan namin. Titingnan namin ang nangyayari,” chika ni Pangulong Marcos.
Baka Bet Mo: Baste Duterte binarag ng Palasyo sa paninira kay PBBM
Idinagdag pa ng Punong Ehekutibo, sa pakikipag-hapunan ni Putin sa iba pang ASEAN leaders, kinausap siya nito muli ukol sa kondisyon ng mga nakakulong na Pilipino.
Ibinahagi pa ni Putin na nakakulong ang mga Pilipino ng walang kaso sa nakalipas na siyam na buwan.
Sa pagkakataon na ito, umapila na si Marcos kay Putin at bago ang kanyang pagbabalik sa Pilipiinas ay nalaman niya na pinalaya na ang 24 Pinoy.
“And now, the 24 Filipinos will be released. They are ready for deportation tomorrow by 5:00 p.m. So those 24 will be going home, back to the Philippines and back to their families,” pagbabalita ni Marcos.
Nabatid na ang 24 na Pilipino ay nabiktima diumano ng illegal recruiters.
The post Bongbong Marcos: 24 Pinoys pinalaya ni Russian President Putin appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments