Small Laude sa pagkakaugnay ng asawa sa flood control projects: Sobrang no!

MARIING itinanggi ng kilalang vlogger at socialite na si Small Laude na sangkot ang kanyang negosyanteng mister na si Philip Laude sa katiwalian sa maanomalyang flood control projects.
Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, June 18, ipinaliwanag niya na kaibigan ng kaniyang asawa ang nadadawit umano sa isyu.
Naging magkasama umano sa isang negosyo ang asawa ni Small at ang kaibigan noong taong 2018 o 2019.
Pero noong magdesisyon umano itong pasukin ang pulitika ay hindi na nila itinuloy pa ang pagiging business partners.
Baka Bet Mo: Small Laude sa flood control issue: Shame on you guys!
“That person involved is a friend of Philip but it was 2018 or 2019 when they decided to go on a business. But when the friend decided to run for politics, they agreed not to continue with the business,” saad ni Small.
Pagpapatuloy niya, “They closed that company, or something. So wala talagang negosyong nangyari.”
Kasunod nito ay ang mahigpit na paggiit ni Small na hindi involved ang pamilya nila sa anumang anomalya.
“Ewan ko nga Tito Boy, bakit naiintriga ‘yung flood control. Sobrang not, sobrang no,” diin pa niya:
Nauna na ring naglabas ng paglilinaw noon ang pamilya ni Small tungkol sa isyu noong Enero sa pamamagitan ng Divina Law.
The post Small Laude sa pagkakaugnay ng asawa sa flood control projects: Sobrang no! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments