Responsive Ad

Bam Aquino certified movie buff, ibinandera favorite movie trilogies

Bam Aquino certified movie buff, ibinandera favorite movie trilogies
Bam Aquino, Mo Twister at Karylle

PINATUNAYAN ni Sen. Bam Aquino na isa siyang certified movie buff dahil sa kanyang pagmamahal at suporta sa industriya ng pelikula.

Ibinandera ng senador sa bagong episode ng “Good Times with Mo” hosted by Mo Twister with Karylle, ang kanyang all-time favorite na film trilogies.

Nang tanungin kung ano ang pinakamagandang trilogy para sa kanya, binanggit ni Sen. Bam ang kanyang personal na listahan ng mga iconic franchise, kabilang ang “Back to the Future” at “The Dark Knight” trilogy ni Christopher Nolan.

Kasama rin sa kanyang mga personal favorite ang “The Lord of the Rings”, ang orihinal na “Star Wars” trilogy, “The Godfather”, at ang mga pelikulang “Spider-Man” ni Tobey Maguire.

“Back to the Future. Nolan Batman Dark Knight. Lord of the Rings. Star Wars, the first one. Star Wars the prequel. Godfather is also a trilogy,” ani Sen. Bam.

“Just Tobey Maguire. Also a trilogy. Ito na iyong mga trilogies na napagdaanan natin,” dagdag niya.

Nang mapunta ang usapan sa franchise na “Indiana Jones”, iminungkahi ni Sen. Bam na husgahan ang serye batay lamang sa unang tatlong pelikula nito.

“Pwede ko bang tanggalin yung fourth and fifth movie ng Indiana Jones and we end with Last Crusade?” tanong ni Sen. Bam, na tumutukoy sa mga sumunod na pelikulang “Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull” at “Indiana Jones and the Dial of Destiny”, na ipinalabas noong 2008 at 2023, ayon sa pagkakasunod.

“We can call it one of the top trilogies ever also,” dagdag niya.

Ipinagtanggol din ng senador ang isa sa mga pinakakontrobersyal na pelikula sa franchise, at sinabing naniniwala siyang mas dapat bigyan ng pagkilala at pagpapahalaga ang “Indiana Jones and the Temple of Doom.”

“I will, I will die on the hill of Temple of Doom actually being okay. Like, people don’t like Temple of Doom. I really like Temple of Doom. Last Crusade pa rin kasi may Sean Connery involved, di ba?” aniya.

Isinusulong ni Sen. Bam na mabigyan ng mas matibay na suporta ng pamahalaan ang creative industry ng bansa dahil sa malaking potensyal nito na makalikha ng mas maraming trabaho at magpasigla ng ekonomiya.

Ayon sa kanya, nananatiling isa sa pinakamalalaking lakas ng Pilipinas ang creative sector at nararapat lamang itong suportahan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy at sapat na pondo at pangmatagalang plano mula sa gobyerno.

Aniya, ang pinakalakas na suporta sa mga Pilipinong creatives, artists, content creators, filmmakers, musicians, at designers ay hindi lamang magbubukas ng mas maraming kabuhayan at oportunidad sa trabaho, kundi magpapakita rin ng galing ng Pilipino sa pandaigdigang entablado.

The post Bam Aquino certified movie buff, ibinandera favorite movie trilogies appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments