Responsive Ad

Zeinab Harake naloka sa fake fans na nagnanakaw ng content: Unfair!!!

Zeinab Harake naloka sa fake fans na nagnanakaw ng content: Ang unfair! 
Zeinab Harake

NALOLOKA ang vlogger at aktres na si Zeinab Harake sa mga tinawag niyang “fake fans” na nagnanakaw ng mga content niya sa social media.

Nakarating kay Zeinab na pini-pick up, ine-edit at ina-upload ng ilang vloggers sa kani-kanilang social media accounts ang mga materials niya sa iba’t ibang platforms.

Sa pamamagitan ng Facebook, naglabas ng sama ng loob si Zeinab sa mga nagpapakilalang fans na kumukuha ng content niya para pagkakitaan.

“Nakakafrustrate yung mga Facebook page na kunwari fan page pero nag-uupload ng sliced clips ng videos, tapos hindi man lang pinopromote yung original link ng vlog sa YouTube,” ang rebelasyon ni Zeinab. 

At ang nakakaloka pa raw, talagang bina-block daw siya ng mga nasabing socmed pages para hindi nila mai-report at ma-take down.

“Yung iba, bina-block pa yung page namin para hindi namin sila ma-report. Ginagawa niyo ba talaga ‘to para monetize ang accounts niyo?” aniya pa.

“Ang unfair. Ang laki ng ginagastos at effort namin para makapag-produce ng content, tapos kukunin nyo lang. 

“Siyempre, apektado ang views sa YouTube, habang sa inyo napupunta yung mataas na views kahit hindi naman sa inyo galing ang content. Nakakalungkot at nakakadismaya,” saad pa niya.

Sa huli, nanawagan siya sa lahat ng nagnanakaw sa kanyang content, “Tigilan niyo na ang pamimirata ng mga videos wag nyo naman po sayangin hirap at pagod namin.”

Sa comments section ng kanyang post, muling nag-iwan ng mensahe si Zeinab, “Please po sa real supporters jan kung gusto nyo po ako mapanood puntahan niyo na lang po mga official accounts ko.

“Yung mga taong nagnanakaw ng videos wag nyo na po panoorin and paki report wala akong magawa kasi nakablock ako sa kanila,” sey pa ni Zeinab.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa reklamo ni Zeinab.

“Zeinab Harake madami nadaan sa wall ko ng mga clips mo pero auto swipe ako dahil palagi akong nakavisit lang sa page mo & dun ko lang pinapanood lahat ng vlogs nyo. Kayo yung pambawi ng pagod naming mga OFW kaya more vlogs pa po. God bless palagi sa fam nyu madam. Makikireport na ako if ever may dumaan ulit.”

“Kaya sa official account mo ako nanonood ng mga vlogs niyo ate Z kase alam kong papakinabangan ng ibang mga fan page mo ang mga upload videos niyo na hindi naman sila ang naghirap para ma upload ang mga videos na pinaghirapan niyo.”

The post Zeinab Harake naloka sa fake fans na nagnanakaw ng content: Unfair!!! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments