MUPH 2026 Bea Millan Windorski biktima rin ng pambu-bully dahil sa baba

NAGING biktima rin ng pambu-bully si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan Windorski dahil sa kanyang itsura.
Palagi raw pinagdidiskitahan ng mga bully ang baba ni Bea mula pa noon hanggang ngayong sumali na nga siya sa beauty pageant.
Ayon kay Bea na siyang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2026 na gaganapin sa November, nasanay na lang siya sa panlalait at pang-ookray sa kanyang chin.
Sa panayam ng media kay Bea, naging inspirasyon daw niya si Miss Universe 2025 Fatima Bosch na hindi nagpatalo sa mga bashers sa kabila ng mga kontrobersiya sa pagkapanalo ng korona at titulo.
“I’m inspired that she’s able to continue her reign and stand up for herself despite all the criticisms because this journey has been really difficult for me,” pahayag ni Bea.
“Things that I can’t change about myself, some bullying about my physical appearance, but it comes with the territory, and she inspired me,” paliwanag ni Bea.
Nilinaw ng press people kung anong klase ng pambu-bully ang na-experience niya mula sa mga bashers at haters.
“My chin, but my chin is something I love cause it’s the same chin as my mom, as my lola, and I would rather honor the stories of the women who came before me than fit a certain beauty standard,” aniya.
Sa mga hindi pa aware, isinilang si Bea sa Milwaukee, Wisconsin, United States noong 2002 at nagmula siya sa pamilya ng mga imigrante.
Ang pagkakaroon ng dugong Pinoy ay mula sa kanyang nanay. Ni-represent niya ang La Union sa Miss Universe Philippines 2026 na probinsya ng kanyang lolo’t lola.
The post MUPH 2026 Bea Millan Windorski biktima rin ng pambu-bully dahil sa baba appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments