‘Tayo sa Wakas’ para talaga sa ibang loveteam, pero itinadhana sa DonBelle

ITINADHANA para kina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang pelikulang “Tayo Sa Wakas” ng Star Cinema at ABS-CBN Studios.
Hindi pala sina Donny at Belle ang original na loveteam na magbibida sana sa naturang pelikula na ang konsepto ay nabuo noon pang 2018.
Ito ang kinumpirma ng Kapamilya writer na si Vanessa Valdez, na siyang sumulat ng script ng “Tayo sa Wakas” na magsisilbi ring comeback movie ni Direk Cathy Garcia-Sampana.
“This concept was already in existence since 2018. Sina Donny at Belle pinagsama namin 2019. It was meant for a different pairing at the time.
“Over the years dinevelop namin, tiningnan kung kanino babagay ang concept,” ang pahayag ni Vanessa sa grand mediacon ng pelikula last Saturday.
“Until they asked me, earlier this year, ‘We are going to be doing the DonBelle project, ano tingin mo sa break-up story trip na iyon. Pwede na ba for them?'” dugtong pa niya.
Naniniwala rin ang scriptwriter na hinog na hinog na ang DonBelle para sa mas mature na project, “Ang haba na ng history nila as a love team and on screen.
“So sabi ko pwede na kasi nire-require may history yung couple na binabalikan tayo. Kaya nang twineak story may in-add kaming elements.
“Ang tagal na natin hindi rin nakakita ng pelikula they start as lovers and end up as rivals. Matagal na tayo hindi nakakita there is competition between these two people who also love each other,” sabi pa ni Vanessa.
Sabi ni Donny, “We started talking about things that would not be in the movie but we need to know as Cisco and Cheska (mga karakter nila ni Belle). Yung na-imagine namin ano pinagdaanan nila, saan sila ipinanganak mga ganu’n.”
“We are excited makita nila itong stage of our life and growth namin pareho,” sey ni Belle.
Ang “Tayo Sa Wakas”, na sinasabing last project ng DonBelle for now, at showing na sa lahat ng sinehan simula sa May 27.
The post ‘Tayo sa Wakas’ para talaga sa ibang loveteam, pero itinadhana sa DonBelle appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments