Juancho Trivino, Joyce Pring ibinandera ika-3 anak na si Baby Andres

MASAYANG ibinandera ng celebrity couple na sina Juancho Triviño at Joyce Pring na nadagdagan na uli ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.
Tatlo na ngayon ang anak nina Juancho at Joyce dahil sa pagdating ng bagong angel sa kanilang buhay – si Baby Gregorio Andres.
Sa isang joint Instagram post, ibinahagi ni Joyce ang good news sa pamamagitan ng isang video kung saan makikitang kasama niya sa loob ng kanyang hospital room si Juancho at ang ika-3 nilang baby.
Kuwento ni Joyce, isinilang niya si Baby Andres isang linggo matapos mag-celebrate ang daughter niyang si Agnes Eleanor ng kanyang ika-3 kaarawan. Ka-birthday din daw nito ang kanyang Lolo Greg.
“Praise God from Whom all blessings flow!
“Gregorio Andres Pring Triviño has joined our growing family to complete the #THREEvinos.
“What a blessing from our good, good Father— the sweetest gift and addition to our family, and an incredible reminder for me and Juancho to always look to Jesus!
“Can’t wait to share more about God’s faithfulness through this journey of becoming a family of FIVE, but for now we’re just soaking it all in,” ang bahagi ng caption ni Joyce sa kanyang IG post.
Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati kina Joyce at Juancho mula sa mga netizens at kapwa celebrities para sa bago nilang baby.
Ikinasal sina Juancho at Joyce sa pamamagitan ng outdoor wedding ceremony noong February, 2020. Isinilang naman ni Joyce ang panganay nila na si Alonso Eliam noong July, 2021.
The post Juancho Trivino, Joyce Pring ibinandera ika-3 anak na si Baby Andres appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments