Kakai Bautista binoldyak gobyerno after magbayad ng tax: Alis na tayo sa Pinas
MATAPANG na binengga ng singer-comedienne na si Kakai Bautista ang mga opisyal ng gobyerno matapos magbayad ng buwis.
Ipinangalandakan ng komedyana sa publiko na walang paltos ang pagbabayad niya ng tax sa pamahalaan bilang Pilipino na sumusunod sa batas.
Pero ang tanong ni Kakai, sa kabila ng pagtugon sa kanyang obligasyon sa bayan pati na ng lahat ng nagbabayad ng buwis, nasusuklian ba ito ng maayos na serbisyo at proteksyon mula sa gobyerno?
Sa kanyang Facebook page, mababasa ang hugot ng komedyana, “Kakabayad ko lang ng tax. NEVER AKONG NAG-MISS.
“Kamusta ang mga lumalaban dyan ng patas tapos walang natatanggap dahil may trabaho?
“Ilang balde po na nailuha naten today? (crying face emoji),” ang pahayag pa ni Kakai.
Sa comments section ng kanyang post, sinabi pa ng aktres na, “Alis na tayo sa PINAS. Para mabawasan na ang huhuthutan ng gobyerno natin.”
Halos lahat ng nagkomento sa FB post ni Kakai ay sumang-ayon sa kanya. Narito ang ilan:
“Nung nakita ko payslip ko para this coming payday na pawow lang ako sa laki ng tax ko.”
“Hirap buhatin nung mga tamad, batugan, at asa sa ayuda ‘no?”
“Yan ang masakit na part sa sting mga taxpayers…tapos napupunta lang sa mga gahaman ang perang pinagpaguran natin.”
“Kaming mga small business owner mis kakai, pataa din kami nagbabayad ng tax, sumasabay kami sa mga big time business owner kumikita ng milyon, pero pagdating na malugi or naghihingalo ang business, need pa namin mangutang pra masurvive ang everyday, wala manlang assistance from governemnt. sad reality. Yung kakaunting kita na sana pra nalang sa pamilya, napuounta pa sa tax. over tax pa po. ang tax na binabayaran namin is redone done.”
“Tapos pamilya ng mga OFW di daw kasama kasi nga may abroad naman daw. Di naman lahat ng nasa ibang bansa mayaman eh, tamang pang survive lang din talaga yung ilan. Grabe!!! Wala masama magbigay ng ayuda or ano man basta dun sa mahihirap at talagang nangangailangan. Nakakaiyak yung may ayuda na pinang iinom at sugal pa. Sana all sa inyo!”
“Ms Kakai Bautista prang msarap na lang tlga magging batugan.. tutal ssuportahan ka naman ng gobyerno eh.”
“Yung puro sa laylayan pano nmn po ang middle class at yun ngttrbaho ng para sa ekonomiya.”
The post Kakai Bautista binoldyak gobyerno after magbayad ng tax: Alis na tayo sa Pinas appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments