Responsive Ad

Queenie Pacquiao namahalan sa P600 na bag sa ukay-ukay, netizens naaliw

Queenie Pacquiao namahalan sa P600 na bag sa ukay-ukay, netizens naaliw
Queenie Pacquiao

UMANI ng papuri at positibong reaksyon mula sa madlang pipol ang pagsa-shopping ng anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Queenie Pacquiao sa ukay-ukay.

Hinangaan ng netizens ang pagpapakatotoo ni Queenie sa publiko na kahit anak ng mag-asawang bilyonaryo ay marunong pa ring mamuhay nang simple.

Sa video na inilabas ng content creator na si Edgar D. Polinar, mapapanood ang anak nina Manny at Jinkee na masaya at excited na nag-iikot sa isang ukay-ukay o thrift store sa Tagaytay City.  

Sa mga hindi pa aware, si Edgar, na nakilala as content creator at vlogger sa Facebook page na “Pag Sure Ba,” ay matagal nang nagsisilbi sa pamilya Pacquiao bilang driver at personal assistant.

Mababasa sa caption ng video ni Edgar, “Nag ukay-ukay si Ate Queenie Pacquiao.”

Makikita si Queenie na iniisa-isa ang mga second-hand clothes at pre-loved items sa loob ng ukay-ukay store.

Maririnig naman si Edgar na nagsabi kay Queenie ng, “Te, bilhin mo na lahat ito?” Na sinagot naman nito ng “Ha?”

May itinurong bag ang anak nina Pacman na nagustuhan niya, “Kuya may nakita ako, cute man siya na bag. Cute pero mahal.”

Sey naman sa kanya ni Edgar, “Mura lang yung ukay-ukay nila.” Pero hirit sa kanya ni Queenie, “Ang mahal, P600. P600 siya.”

Natawa naman si Edgar at nag-dialogue ng, “Namahalan pa daw siya.”

May isa pang video ni Queenie na ipinost ng vlogger kung saan makikita ang dalaga na may hawak nang basket filled na puno ng mga napili niya mula sa ukay-ukay store.

Ang caption nito ay, “Ukay-ukay is life.”

Halos lahat ng nabasa naming comments mula sa netizens ay papuri kay Queenie. Hindi raw ito feeling privilege tulad ng mga mayayabang at maaangas na Nepo Babies.

The post Queenie Pacquiao namahalan sa P600 na bag sa ukay-ukay, netizens naaliw appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments