Responsive Ad

Humanoid robot inordinahan bilang monghe sa South Korea

Humanoid robot inordinahan bilang monghe sa South Korea
Photos from Inbox.eu/Facebook

ISANG 130-centimeter humanoid robot ang inordinahan bilang monghe ilang linggo bago ang selebrasyon ng kaarawan ni Buddha

Ayon sa mga ulat ng South Korean media, nangyari ang ordinasyon sa Jogyesa Temple sa Seoul, South Korea noong May 6.

Binigyan ang naturang humanoid robot ng Buddhist name na “Gabi,” na ang kahulugan ay “mercy” o awa sa Korean. 

Si Gabi ang first ever robot na inordinahan bilang monghe sa South Korea na sinasabing isinagawa upang panatilihing “relevant” ang Buddhism sa modernong henerasyon. 

Batay sa mga report, si Gabi ay ginawan ng “reprogrammed” vows batay sa five precepts o common vows sa relihiyong Buddhist.

Ito ay ang pagbibigay respeto sa buhay, pag-iwas sa paninira ng ilan pang kagamitan at kapwa robots, pagsunod sa mga tao at hindi pagsagot ng pabalang sa mga ito, at energy saving sa pamamagitan ng pag-iwas sa overcharging. 

“At the current stage, it might seem a bit awkward… but we hope the five precepts will be considered as basic principles for not only Buddhists but the society to exist together with robots,” ang pahayag ni Venerable Seong Won sa kanyang speech.

Sa darating na May 16 at 17, inaasahang magpapakita uli sa publiko si Gabi para sa inaabangang Lantern Festival sa Seoul bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng kaarawan ni Buddha. 

The post Humanoid robot inordinahan bilang monghe sa South Korea appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments