Responsive Ad

DonBelle, JMFyang, Jane, Loisa bidang-bida sa big screen ngayong Mayo

DonBelle, JMFyang, Jane, Loisa bidang-bida sa big screen ngayong Mayo
Loisa Andalio, Jane Oineza, JM Ibarra, Fyang Smith, Donny Pangilinan at Belle Mariano

PINAGBIBIDAHAN ng Star Magic artists na sina Donny Pangilinan, Fyang Smith, Jane Oineza, Loisa Andalio, JM Ibarra at Belle Mariano ang pinakamalalaking pelikula ngayong Mayo! 

Sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Dan Villegas, bida sa “Almost Us” ang breakthrough pairing nina Fyang Smith at JM Ibarra. 

Isang exploration ito ng “Alternate Universe” (AU) culture at ang bittersweet na “best friends to lovers” trope. 

Pinupuri ang chemistry nina Janine (Fyang Smith) at RR (JM Ibarra) dahil sa kanilang mahusay na pagganap na tila tinanggal ang boundary sa pagitan ng fan fiction at realidad, kung saan ang bawat emosyon ay ramdam na totoo at hindi lang basta scripted.

Ayon kay JM, “It is a very personal project for me because it mirrors my real-life dynamic with Fyang. It made my acting feel very natural.” 

Dagdag naman ni Fyang, “I admire JM’s work ethic and professionalism. He brings intense focus to the work, which I find very inspiring.”

Bida naman sa Official selection para sa Far East Film Festival 2026 ang “Midnight Girls” nina Jane Oineza at Loisa Andalio na tumatalakay sa totoong buhay ng mga Filipina entertainers sa Japan. 

Ramdam ang husay ng mga lead stars dahil sa kanilang ginawang immersion para mas maintindihan ang hirap at saya ng buhay-OFW, dahilan para maging mas tapat at makabuluhan ang kanilang pagkukuwento sa big screen. 

“Alam ko rin how much responsibility we have, kami ang mga boses nila,” ani Jane tungkol sa kanyang mabigat na role.

Sa direksyon ni Irene Emma Villamor, napapanood na ngayon ang “Midnight Girls” sa mga sinehan nationwide.

Abangers na rin ang madlang pipol sa comeback movie nina Belle Mariano at Donny Pangilinan na “Tayo sa Wakas”.

Malayo sa usual na “kilig,” ipakikita sa kwento nina Cisco (Donny) at Cheska (Belle) habang hinaharap ang reyalidad na ang pag-ibig ay hindi laging nauuwi sa “forever.”

Sabi ni Donny, “It’s very raw, it’s very real… that’s why it’s emotional.” 

Dagdag ni Belle, “The film really requires you to find who you are… we wanna grow as individuals.”

Isang malaking milestone para kina Donny at Belle ang nasabing movie dahil naka-focus ito sa kanilang growth bilang mga aktor.

Produced by ABS-CBN Films, ipalalabas ang “Tayo sa Wakas” sa May 27 sa cinemas nationwide.

Muling pinatunayan ng Star Magic artists ang kani-kanilang galing at versatility sa iba’t ibang proyektong kanilang pinagbibidahan sa big screen. 

The post DonBelle, JMFyang, Jane, Loisa bidang-bida sa big screen ngayong Mayo appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments