ABS-CBN inaasahang makakabawi sa BINI at ‘Sigabo’ ni Coco Martin!?

SI Coco Martin at ang Nation’s Girl Group na BINI ang inaasahan ng ABS-CBN para makabawi umano sa kanilang kita sa first quarter ng 2026.
May kumalat kasing balita na, “BREAKING: ABS-CBN turns to Coco Martin, BINI and cost cuts for rebound after Q1 loss.
“Management however expects revenues to improve significantly in the coming quarters as Coco Martin returns to primetime in June, Star Cinema rolls out new releases and BINI launches its world tour following its high-profile Coachella appearance in April.”
Kaya pala halos araw-araw ay nagte-taping ng “Sigabo” sina Coco at Julia Montes under CCM Productions para marami silang nakabangkong episodes kapag umere na ito sa buwan ng Hunyo ngayong taon.
Mukhang si Coco talaga ang hinihintay ng tao sa primetime dahil laging nagtatanong kung kailan eere ang “Sigabo.”
Samantala, may ilang netizens ang nagkomento kung bakit puro BINI na lang ang pinu-push ng ABS-CBN.
“I wonder, bakit ayaw nilang mag-invest sa BGYO? I mean, oo, Bini deserve the exposure dahil mga talentada rin sila. Pero bakit parang hindi nag-i-invest sa BGYO ang ABS-CBN. Parang itinakwil na ng ABS-CBN ang mga ‘anak’ nilang pinangalanan nilang “BGYO?”
“Ang daming obobs sa comment section. Kahit walang franchise, abs-cbn still managed to create talents like bini who is now going internationally, produce great movies and content.
“Again they are no longer a traditional network. They have transformed into a ‘content company’ which distributes shows globally and across various digital and cable platforms. ABSCBN is everywhere.”
Concerned din ang karamihan na sana makabangon ang ABS-CBN sa kinakaharap nitong problema.
“Maraming nakaasa sa ABS-CBN empleyado, talents, advertisers. Sana mabigyan ng pagkakataong makabangon nang walang sabit sa boardroom drama.”
“True, some people are commenting ill wishes to the company. Pero di nila alam madaming tao ang nabibigyan ng trabaho at taong nabbigyan ng opportunities.”
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag o paliwanag ng ABS-CBN hinggil sa isyung ito.
The post ABS-CBN inaasahang makakabawi sa BINI at ‘Sigabo’ ni Coco Martin!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments