‘Linda Walker’ susugod sa Pilipinas, tutulong sa advocacy ng DepEd, FFCCCII

BIBISITA sa Pilipinas si “Linda Walker”, ang babaeng nag-viral dahil sa kanyang katalinuhan na nakakuha ng 719 score sa isang mock exam at may IQ na 180.
Para sa mga hindi pa masyadong aware kung sino si Linda Walker, siya ay isang karakter sa Chinese vertical micro-drama na “The Heiress Who Won With Brains,” kung saan ang tunay niyang pangalan sa original version ay Lin Siwang.
Sa naturang serye (Filipino-dubbed), si Linda Walker ay isang mahirap na estudyante sa Brookshire na nagpupursigi gamit ang kanyang super intelligence. Kalaunan ay madidiskubreng na-baby swap siya at mula sa isang rich and influential family.
Ang 22-year-old Chinese actress na si Zhang Yingfei ang gumaganap na Linda Walker “The Heiress Who Won with Brains” at nakatakda nga siyang dumalaw sa bansa sa June 7, at magtatagal hanggang June 11, 2026.
In-announce kahapon ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCII) ang pagbisita ni Zhang sa naganap na presscon kahapon, May 27.
Ayon sa FFCCCII, itinaon nila ang pagdating ng Chinese star sa Pilipinas sa school opening ngayong June upang hikayatin at bigyan ng motivation ang mga kabataan na bigyan ng importansya ang edukasyon.
Sa June 8, Lunes, 9 a.m., may courtesy call si Zhang Yingfei kay Manila City Mayor Isko Moreno na magaganap sa City Hall as part of “Linda Walker Visits The Philippines to Promote Education for a Better Future.”
Aayusin din ng FFCCCII ang schedule ni Zhang para mabisita ang historic Intramuros at ang world’s oldest Chinatown, ang 432-year-old Binondo district bilang bahagi naman ng pagpo-promote sa Philippine tourism.
Personal ding bibisita si Linda Walker sa oldest public school sa Quezon City, ang Quezon City High School sa June 9, kasama si Education Secretary Sonny Angara.
Ka-join din nila sa magaganap na outreach program sa Quezon City High School sina China Ambassador Jing Quan, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at FFCCCII officials led by President Victor Lim.
Ibinalita rin ng FFCCII na welcome ang mga fans ni Zhang na sumalubong sa kanyang pagdating sa NAIA Terminal 3.
The post ‘Linda Walker’ susugod sa Pilipinas, tutulong sa advocacy ng DepEd, FFCCCII appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments