Responsive Ad

Roi Vinzon ipinagmalaki si Anton: Di hamak na mas magaling siya sa akin!

Roi Vinzon ipinagmalaki si Anton:  Mas magaling siya sa akin, 'di hamak
Anton Vinzon at Roi Vinzon

PROUD na proud ang veteran actor na si Roi Vinzon sa kanyang anak na si Anton Vinzon na bidang-bida na ngayon sa sports drama series na “Kamao.”

Ipinagmalaki nang bonggang-bongga ng beteranong action star si Anton sa naganap na grand mediacon ng pinakabagong teleserye ng GMA.

“Mas magaling siya sa akin, hindi hamak. Hindi ko siya masiyadong tinuruan, to tell you the truth,” ani Roi na gumaganap na lolo ng karakter ni Anton sa “Kamao” na isa namang amateur na boksingero.

Ayon naman kay Anton, na unang nakilala sa Kapuso series na “Mga Batang Riles” at sinundan ng pagiging housemate sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0”, dream come true para sa kanya ang pagbibida sa “Kamao” at kasama pa niya ang kanyang tatay.

“Malaking responsibilidad na mabigyan ng ganitong project. And hindi mawawala siyempre yung pagod, yung takot, yung kaba, yung challenge. 

“Pero para sa akin, nangingibabaw pa talaga yung kasiyahan ko sa ginagawa ko,” aniya. 

At sa experience naman niya working with his dad for the first time, “First day pa lang, pressure na. Talagang nandiyan siya para sa ‘kin. Inaalalay niya ‘ko, ganu’n po talaga. Todo support sa ‘kin.”

“Siyempre, para sa akin, kinakabahan. Kasi talagang makakasama ko talaga yung tatay ko sa isang series. And first pa.

“Para sa akin talaga, tribute ko po talaga ito para kay Papa. Sana pagkatapos ng pilot, maging proud siya sa akin,” saad ng binata.

Wala naman daw acting advice sa kanya si Roi pero marami siyang natutunang life lessons mula sa ama, “Naging totoo ako sa sarili ko and mas naging matapang ako sa mga binigay niya sa ‘kin.”

“Sabi niya, ‘Hindi na kita tutulungan. Dapat ‘yung mga taong tumutulong sa ‘yo, ‘yung mga direktor, dapat talaga ma-experience mo lahat,’” dagdag ni Anton.

The post Roi Vinzon ipinagmalaki si Anton: Di hamak na mas magaling siya sa akin! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments