Responsive Ad

Migz Zubiri sa Cha-Cha speech ni Imee Marcos: Inday Badiday na ba tayo dito!?

Migz zubiri sa Cha-Cha speech ni Imee Marcos: Inday Badiday na ba tayo dito!?
Sens. Migz Zubiri, Imee Marcos

GALIT na kinontra ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pahiwatig ni Sen. Imee Marcos na ang Senate minority bloc ay pabor sa Charter Change o Cha-Cha.

Ayon kay Zubiri, mali ang mga pasaring ni Marcos sa minority senators sa privilege speech nito.

Idiniin kasi nito na sa pag-uusap ng minority senators ay hindi nababanggit ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Baka Bet Mo: Imee Marcos humingi ng tawad kay VP Sara: Ipinahamak ko siya, guilty ako

Sinabi pa nito na lahat silang mga nasa minoriya ay napailing nang marinig ang talumpati ni Marcos ukol sa planong palawigin ang termino ng administrasyon sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Inday Badiday na ba tayo dito?” tanong ni Zubiri sa pahiwatig na tsismis ang mga paratang ni Marcos.

Aniya, ang dapat na asikasuhin ng mga senador ay maibalik ang integridad at tiwala ng publiko sa Senado.

Sinegundahan ng minority senators ang mosyon ni Zubiri na burahin sa records ng Senado ang ilang bahagi ng talumpati ni Marcos na anila ay mapanira at walang katotohanan.

The post Migz Zubiri sa Cha-Cha speech ni Imee Marcos: Inday Badiday na ba tayo dito!? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments