Responsive Ad

Groom na ginaya pagtakbo, pagkadapa ni Bato sa kasal viral na

Groom na ginaya pagtakbo, pagkadapa ni Bato sa kasal viral na
Photos: Screengrab from TikTok

PAK na pak sa mga netizens ang video ng isang groom na ginaya ang pagtakbo at pagkadapa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa loob ng Senado.

Viral na ngayon sa social media ang Same Day Edit o SDE ng wedding video ng groom na si Edrian Sison kung saan nag-ala Bato nga siya nang magtatakbo ito para takasan ang mga umaarestong operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Senado. 

Sa TikTok reel ni Edrian, mapapanood ang pagtakbo niya patungong simbahan habang hinahabol naman ng kanyang groomsmen. 

Nang makarating na sa hagdan,  kuhang-kuha ni Edrian ang pagkadapa ng Sen. Bato.

“Kakasal na kami ni Cindy, kailangan ko nang pumunta ng simbahan!” ang maririnig na sabi ni Edrian bilang hudyat ng takbuhan. 

Maririnig din sa voice over ng video habang kumakaripas ng takbo ang groom, “Papanik ng second floor, eto ho, dito na ho bumagsak ang Senador. 

“Muli siyang tumayo. Nagbukas siya ng pintuan dahil dito na po ang daan patungo sa session hall ng Senado,” ang maririnig pa sa voice over. 

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens na aliw na aliw sa naturang viral video sa TikTok.

“Na gets q agad dahil sa buhok nya.”

“Kung di ako magpapakasal, pinipilit nyo ako. Ngayong magpapakasal ako, tatanungin nyo bat ako magpapakasal?’ – Asawa ni Cindy.”

“Nandyan din si Mr Worldwide.”

“Hahaha Bakit nyo naman nilaro ung SDE nyo.”

#CindyhanMoAngBato.”

#CINDYfoundherraySTONE.”

“Ano nanamang kakalbuhan to.”

“HAHAHA ANTINDE MO BOSS!! BEST WISHES SA INYO HAHAHA!”

The post Groom na ginaya pagtakbo, pagkadapa ni Bato sa kasal viral na appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments