iPad ni Teddy Corpuz naibalik na matapos isuko ng kapatid ng magnanakaw

MATAPOS maging viral ang insidente ng pagnanakaw sa bahay ni Teddy Corpuz, may magandang update ang “It’s Showtime” host at bokalista ng Rocksteddy.
Sa kanyang Facebook video, sinabi ni Teddy na naibalik na sa kanila ang nawalang iPad matapos umano itong isuko ng kapatid ng suspek sa tulong ng mga barangay official at purok leader sa kanilang lugar.
“Tinakedown muna natin ‘yung post tungkol sa magnanakaw…Kaninang umaga, pumunta ‘yung mga barangay sa bahay natin, ininform nila kami na sinurrender ng kapatid nu’ng magnanakaw ‘yung item na nakuha sa atin. So ‘yung iPad sinurrender sa amin,” kwento ni Teddy.
Kwento pa niya, mismo ang suspek umano ang tumawag sa kanyang kapatid upang ituro kung saan itinago ang iPad kaya agad itong na-retrieve ng mga awtoridad.
Baka Bet Mo: Teddy Corpuz pinalagan ang bashers ng ‘Showtime’: ‘Huwag ka manira!’
Gayunman, hindi na umano naibalik ang ilan pang kinuhang gamit gaya ng mga singsing.
“‘Yung mga singsing, hindi na nabalik. Okay lang ‘yun kasi mura lang ‘yung mga ‘yun, hindi naman totoo ang mga singsing na ‘yan,” wika niya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1643803976825105%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Nagpasalamat din si Teddy sa mga netizen na tumulong sa pagkalat ng impormasyon tungkol sa insidente.
“Sa lahat ng mga netizens natin na naging imbestigador, naging detectives, at naging hacker yung mga –kasi nabulahaw yung perpetrator. Maraming salamat!” aniya.
Umaasa naman si Teddy na tuluyang mahuhuli ang suspek at nagsilbi rin umano itong paalala sa publiko na maging mapagmatyag laban sa krimen.
Base sa report ng Quezon City Police District noong Huwebes, May 7, isang lalaki ang umano’y pumasok at nagnakaw sa bahay ni Teddy.
Kabilang sa mga tinangay ang iPad at iba pang personal na gamit ng TV host.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natukoy umano ang suspek na si Jerome Masbate matapos suriin ang CCTV footage at makipag-coordinate sa isang purok leader sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.
Inihayag din ng QCPD na inirekomenda na nila sa piskalya ang kasong paglabag sa Article 299 ng Revised Penal Code o robbery in an inhabited house laban sa suspek.
Lumabas din sa record na mayroon na umano itong dating kaso ng robbery noong 2018 at paglabag sa Republic Act No. 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act.
The post iPad ni Teddy Corpuz naibalik na matapos isuko ng kapatid ng magnanakaw appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments