Responsive Ad

Anton Vinzon inialay ‘Kamao’ sa kanyang ama: Siya talaga superhero ko! 

Anton Vinzon inialay 'Kamao' sa kanyang ama: Siya talaga superhero ko! 
Anton Vinzon, Roi Vinzon, Amy Austria, Katrina Halili at Neil Ryan Sese

MATAPOS magmarka sa seryeng “Mga Batang Riles” at magpakatotoo sa “Pinoy Big Brother”, nagbabalik si Sparkle star Anton Vinzon sa kanyang unang solo lead project, ang “Kamao.”

Mapapanood na sa GMA Afternoon Prime simula May 25, ang “Kamao” ay sumasalamin sa kwento ng bawat Pilipino na nananatiling matatag, matibay, at lumalaban para sa pamilya sa kabila ng mga pagsubok ng buhay.

Ang kauna-unahang sports drama ng GMA ay pagbibidahan ni Anton kasama ang mga beteranong artista sa pelikula at telebisyon na sina Amy Austria, Roi Vinzon, Wendell Ramos, Neil Ryan Sese, at Katrina Halili.

Mas magiging exciting pa ang serye dahil sa pagsasama-sama ng promising young dramatic stars at trending social media personalities na sina Bruce Roeland, Therese Malvar, Chanty Videla, Tito Abdul at Tito Marsy, Matt Lozano, Euwenn Mikaell.

Iikot ang serye kay Makmak (Anton) na isang amateur boxer at nangangarap maging kampeon. Pero ang pinakamabigat niyang laban ay hindi sa loob ng ring, kundi sa sarili niyang tahanan. 

Madadamay siya sa mga kasinungalingan at kontrobersiya ng kanyang dating boxing champion na ama, habang hinaharap din ang malupit na pagdidisiplina ng kanyang lolo.

Habang tinatahak ni Makmak ang laban para sa championship belt, matututunan niya na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa tropeo o parangal, kundi sa pagtatagumpay sa mga laban sa buhay.

Sa direksyon nina L.A. Madridejos at Richard Arellano, kasama si Kevin de Vela bilang associate director, ipapakita ng Kamao na ang tunay na panalo ay ang mas makilala ang sarili at matagpuan ang pagmamahal, kapayapaan, at pagtanggap sa loob ng pamilya.

Pinatutunayan din nito ang lawak ng talento ni Anton sa drama, comedy, romance, at intense action, dahilan para maging karapat-dapat siyang maging bida sa GMA Afternoon Prime.

Abangan ang “Kamao”, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. 

Samantala, inialay naman ni Anton ang “Kamao” sa kanyang amang si Roi Vinzon na gumaganap na lolo niya sa serye.

“’Nak, good job.’ Gusto ko marinig sa kanya ‘yun. Tribute ko po talaga kay papa ‘to kasi siya po talaga ‘yung superhero ko and talagang he’s my best friend,” aniya.

Pag-amin pa niya, “First day pa lang, pressure. Talagang nandiyan siya para sa ‘kin. Inaalalay niya ‘ko, ganun po talaga. Todo support sa ‘kin.”

The post Anton Vinzon inialay ‘Kamao’ sa kanyang ama: Siya talaga superhero ko!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments