Responsive Ad

Kaye Abad nagka-breast cancer: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos

Kaye Abad nagka-breast cancer: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos
Kaye Abad

NA-DIAGNOSE ang aktres na si Kaye Abad ng breast cancer na isang taon niyang inilaban sa pamamagitan ng pagpapagamot sa Singapore.

Taong 2025 pa nalaman ng aktres na meron siyang cancer sa dibdib pero inilihim muna niya ito sa publiko habang sumasailalim sa iba’t ibang medical treatment.

Sa inilabas niyang birthday vlog kahapon, May 17, ibinahagi ni Kaye ang kanyang naging journey sa paglaban sa breast cancer kasama ang asawang si Paul Jake Castillo sa Singapore.

Matatandaang noong February, 2026, naikuwento niya sa publiko na tinamaan siya ng viral infection na “Herpangina” pero hindi niya nabanggit ang tungkol sa kanyang breast cancer.

Dokumentado ang pakikipaglaban ni Kaye sa cancer at sa inilabas nga niyang vlog, masaya niyang ibinalita na isa na siyang maituturing na cancer survivor.

“She declared, as of now you can declare that you’re a survivor and you’re cancer free…I’ve been waiting for this day,” ang simulang pagbabahagi ni Kaye sa video habang umiiyak at kayakap ang mister na si Paul Jake.

Pagpapatuloy ng aktres, “From the very first day na nag start ako mag film for this vlog, wala akong idea what was ahead of me. 

“I didn’t know what treatments I would go through, how hard the journey would be, or if I would even survive it. 

“For 1 year ang daming moments of uncertainties. But also so much faith, hope, and love that carried me through. And today I can finally say, I am a cancer survivor,” aniya sa caption.

“I didn’t pretend I wasn’t sick. I just pretended to be well,” paglalahad pa ni Kaye.

Nagsimula raw ang lahat noong January, 2025 nang sumailalim siya sa mammogram ilang buwan matapos siyang makaranas ng matinding abdominal pain.

“Last September (2024), sumasakit yung tiyan ko. I thought, the normal hyperacidity attack ko. But then, na-alarm ako kasi it would last for six hours. 

“Nagpa-full stomach ultrasound ako and nakita nila na meron akong multiple stones sa gallbladder,” ani Kaye.

Matapos ang isinagawang gallbladder stone removal surgery sa kanya, sinabihan siya ng gastroenterologist na mag-undergo ng mammogram dahil na rin sa edad niya.

Bukod dito, may nakita rin daw ang mga doktor na cyst sa kanyang ovary nang i-ultrasound siya. Kaya agad daw silang nagtungo ni Paul Jake sa ospital sa Cebu para sa karagdagang tests. 

Ayon sa mammogram results, sinabi ng kanyang Obstetrician-Gynecologist na ang kundisyon niy ay “really suspicious,” at may symptoms na ng breast cancer.  

“While the doctor was talking, parang lumulutang ang mga words na sinasabi niya. Parang hindi ko ma-absorb. Ang clear lang sa akin is yung sinabi niya na from the photo of the mammogram it’s 95% malignant,” ani Kaye sa vlog. 

Tinawagan daw niya agad ang asawa na nasa Surigao that time at ibinalita ang findings ng doktor,“Pag-inform ko sa kaniya sa sinabi ng doctor, doon nag-sink in sa akin ang lahat.

“I’m just hoping na early stage pa lang siya. I know I’ll be okay. God is good. I know everything will be okay and kaya ko ‘to,” aniya pa.

Kasunod nito, kumunsulta agad ang mag-asawa sa isang breast surgeon na siyang nagkumpirma n positive nga siya sa breast cancer. 

“We decided to do all the tests and procedures sa Singapore,” sabi naman ni Paul Jake. 

“Please take care of the kids while we are not home. Only my sister knows. My mom…I’ll try to hide it until I will be okay because I don’t want her to worry,” sabi naman ni Kaye. 

In-explain din nina Kaye at Paul kung bakit sa Singapore sila nagpagamot. Marami na raw kasi silang naririnig na mga cancer patients na gumaling doon.

“I hope I will hear the same thing,” ani Kaye na sinang-ayunan ni Paul Jake, “Ako high hopes ako.”

Sey uli ni Kaye, “Ako rin naman. Alam kong hindi ako pababayaan ni Lord because He’s always been there ever since. Kahit dalaga pa ako never akong pinabayaan. 

“Hanggang sa nagkaasawa ako, nagkaanak ako, walang problema. Mataas yung faith ko kay God na hindi niya ako pababayaan. God is good, always.

“I know he’s just there, ngayon pa, I know ngayong mas kailangan ko siya, hindi niya ako pababayaan,” pahayag ng aktres na hindi na napigilan maging emotional. 

Pahayag pa ni Kaye habang papunta sila ng Singapore, “Halu-halong emosyon, kabado kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ng mga doctor dito, kung anong treatments ang kailangan kong gawin, kung dito ba sa Singapore gagawin yung mga treatments, at kung gaano kami katagal mag-stay dito.  

“Pero walang takot. Walang halong takot kasi alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng vlog, ibinalita nga ni Kaye na matapos ang pinagdaanang gamutan, cancer-free na siya.

The post Kaye Abad nagka-breast cancer: Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments