Responsive Ad

Zephanie handa nang maging P-Pop idol; Elle, Ashley nanganganib 

Zephanie handa nang maging P-Pop idol; Elle, Ashley nanganganib 
Zephanie, Elle Villanueva at Ashley Ortega

IN FAIRNESS, consistent ang mataas na rating at online views ng musical drama ng GMA Afternoon Prime na “Born to Shine” na pinagbibidahan nina Zephanie at Michael Sager.

Love na love talaga ng viewers all over the universe ang nakakaintriga at nakaka-excite na kuwento ng serye, lalo na ang mga twists and turns sa bawat episode.

Parami pa nang parami ang mga nahu-hook sa “Born to Shine” dahil very inspiring ang kuwento nito tungkol sa pag-abot ng pangarap at relevant din lalo na ngayong marami ang sumisikat na mga P-Pop group.

Komento nga ng isang netizen sa YouTube channel ng Kapuso Network, “Nakakabitin lagi. Ang ganda ng kwento nakakaiyak. Naaadik na ako sa palabas na ‘to!!!”

Malapit nang maabot ni Jennie (Zephanie) ang biggest dream niyang makapasok sa bootcamp at mag-training para maging ganap na P-Pop idol. 

Pero bago mangyari ‘yan, kailangan muna niyang makuha ang suporta ng kanyang inang si Minchie (Manilyn Reynes). 

Ready na ba siyang pakawalan ang anak at pasukin ang magulong mundo ng mga idol?

Marami pang pagsubok na haharapin ang bidang si Jennie, kaya tumutok lang sa “Born to Shine,” 2:30 p.m. mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7.

* * *

Painit naman nang painit ang mga eksena sa “Apoy sa Dugo” na napapanood pa rin sa pasabog na line-up ng GMA Afternoon Prime.

Hindi titigil si Angel (Ashley Ortega) na bilugin ang ulo ng mga taong nakapaligid sa kanya at baliktarin ang sitwasyon para lang mailayo si Vanessa (Elle Villanueva) sa pamilya nito at masolo ang kanyang kapatid.

Kasabay ng kaliwa’t kanang masasamang plano ni Angel, nagsisimula na ring maghinala si Vanessa sa mga kilos at totoong intension niya. 

Dito na rin ba magsisimulang masira ang pagsasama nila?

Dalang-dala naman ang viewers sa matitinding tagpo sa serye. Sey ng isang netizen sa GMA Drama Facebook page, “Sobrang sama mo, Angel! Sinisira mo ang pamilya ni Vanessa! Ang gagaling ng mga artista dito. Maiinis ka sa mga kontrabida!”

Huwag palampasin ang “Apoy sa Dugo” tuwing 4:05 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA.

The post Zephanie handa nang maging P-Pop idol; Elle, Ashley nanganganib  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments