Sarah Geronimo viral sa ‘Iboto n’yo ako sa susunod na eleksyon’ video
MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang video ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kung saan hinikayat niya ang publiko na sana’y iboto raw siya sa susunod na eleksyon.
Umani ng samu’t saring reaksyon ang nasabing statement ni Sarah G kaya naman naglabas na ng official statement ang kanilang G Productions hinggil dito.
Base sa napanood naming video na kuha sa isang event kung saan nag-perform ang singer-actress, bigla siyang nag-dialogue ng, “Maraming salamat po, iboto niyo po ako sa susunod na eleksyon.”
May mga nagpalagay na baka nga totoong kakandidato si Sarah sa 2028 national elections kaya nasabi iyon ng misis ni Matteo Guidicelli.
Meron namang nagkomento na baka raw isa si Sarah G sa mga celebrity na mag-eendorso sa kapangalan niyang si Vice President Sara Duterte, na nag-announce nang tatakbo sa pagkapangulo sa 2028.
Paliwanag naman ng pag-aaring kumpanya nina Sarah at Matteo na G Productions, kuha ang viral video sa isang live event kung saan pabirong sinabi ng Popstar Royalty sa audience, bilang part ng kanyang closing spiel, na iboto siya sa susunod na halalan.
“We have seen a few clips making the rounds suggesting that Sarah is gearing up for the next election, or at least testing the waters,” ang simulang bahagi ng kanilang paglilinaw.
“For context: the video came from a live event where, as part of her closing spiel, Sarah playfully asked the audience to vote for her in the next election.
“It was a lighthearted moment meant purely for fun and crowd interaction.
“Sarah is exactly where she wants to be — on stage, doing what she loves, and inspiring people through her talent and artistry.
“We kindly ask everyone to enjoy the moment for what it was and resist adding any political color to an onstage joke,” ang buong pahayag ng kampo ni Sarah.
The post Sarah Geronimo viral sa ‘Iboto n’yo ako sa susunod na eleksyon’ video appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments