Responsive Ad

Xian Gaza may pasabog sa pag-aresto kay Co, ipinagtanggol ang gobyerno

Xian Gaza may pasabog sa pag-aresto kay Co, ipinagtanggol ang gobyerno
Xian Gaza at Zaldy Co

IPINAGTANGGOL ng “Pambansang Marites” na si Xian Gaza ang Marcos administration sa isyu ng pag-aresto kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Marami kasi ang kumukuwestiyon sa pamahalaan kung bakit natatagalan ang pagbabalik sa Pilipinas ng dating kongresista matapos maaresto sa Czech Republic.

Si Pangulong Bongbong Marcos, Jr., mismo ang nagkumpirma sa pagdakip kay Co sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa kanyang Facebook page noong gabi ng April 16.

Paliwanag ni PBBM, hindi umano pinayagang makapasok sa border ng Germany si Co kaya raw pinabalik at nahuli ng mga awtoridad ng Czech Republic.

Kasunod nito, may paliwanag si Xian Gaza hinggil sa pagkakaaresto kay Co na ipinost niya sa kanyang Facebook page noong Linggo, April 19.

Aniya, patawid daw noon si Co kasama ang pamilya nito sa border ng Germany gamit ang isang sasakyan na minamaneho ng French citizen at may French license plate. 

Feeling ni Gaza, naging kampante sina Co sa pagtawid ng hangganan ng Germany mula sa Czech na walang border control sa nabanggit na bansa kaya nila iniwan ang kanilang mga passport.

“At dahil kampante si Zaldy and family na walang border control inside the Schengen area, iniwan nila sa France ‘yong mga pasaporte nila. 

“Dagdag-kaalaman, kahit kanselado na ng Philippine government ang passport ni Zaldy Co, ito ay mananatiling valid sa mata ng foreign governments as long as hindi pa ito expired. Hindi niya lang ito pwedeng i-renew,” pagdedetalye ni Gaza. 

“Going back sa istorya, kung bitbit ni Zaldy Co ang kaniyang Philippine passport while crossing the Czech-German land border, payapa silang makakadaan sa random checkpoint.

“Pinakita ni Zaldy Co ‘yong picture ng passport niya sa phone ngunit hindi ito tinanggap ng German authorities. 

“Required daw ang physical copy. Dinetain siya sa Czech side ng border sa kasong illegal alien with no proper documentation,” pambubuking ni Gaza.

Aniya, puwede pa raw sanang pakawalan ng Czech Republic ang nahuling kongresista pero nalaman nilang wanted ito sa bansa. 

“Hindi pa siya nade-deport hanggang ngayon kasi yung kaso sana niya ay not for automatic deportation. 

“Kailangan lang sana i-verify ng Czech authorities yung totoong identity niya tapos pwede na siyang makalaya given na mayroon naman talaga siyang valid Schengen visa kaso hindi lang niya dala,” sey niya.

Sabi pa ni Gaza, wala naman daw talagang INTERPOL red notice laban sa dating mambabatas at wala rin itong local records sa nasabing bansa. 

“Pero dahil nag-submit na ng petition ang DFA Philippines through the Philippine Embassy sa European Union, naobliga ang Czech authorities na i-detain siya at i-hold bilang wanted fugitive of the Republic of the Philippines.

“Pero hindi siya mapauwi agad-agad dahil wala naman siyang existing InterPol Red Notice at wala siyang existing local case sa EU para maging subject for extradition.

“Gets niyo na ngayon? Hindi na kayo naguguluhan? You’re welcome! So please stop bashing our own government saying na mahina sila o walang kwenta bla bla bla. No!

“They are doing everything they can! Sadyang sobrang komplikado lang talaga ng sitwasyon. I will update you all sa mga susunod na kabanata,” lahad pa ni Gaza. 

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksyon ang gobyerno hinggil sa naging pahayav ni Xian Gaza.

The post Xian Gaza may pasabog sa pag-aresto kay Co, ipinagtanggol ang gobyerno appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments