Responsive Ad

Jayda Avanzado bilang next Sarah Geronimo: Nape-pressure po ako! 

Jayda Avanzado bilang next Sarah Geronimo: Nape-pressure po ako! 
Sarah Geronimo at Jayda Avanzado

MARAMI ang nagkokomento na hindi imposibleng makamit din ni showbiz royalty Jayda Avanzado ang naabot na tagumpay ni Sarah Geronimo.

Mismong si Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment na kasi ang nagbansag sa anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzano bilang susunod na Sarah G.

“I’m just really flattered and honored na gano’n po ‘yong tingin niya sa akin. Medyo nape-pressure din po ako. I mean, these are big shoes to fill.

“But at the of the day, alam ko naman po na nandito po ako just do my best dito sa industriya. 

“And masarap po sa pakiramdam na ‘yong manager ko, si Boss Vic, malaki po ‘yong tiwala niya in me,” ang pahayag ni Jayda sa panayam ng “TicTALK with Aster Amoyo”.

Sey pa ng Viva Artists Agency (VAA) talent, noong 9-years old pa lamang siya ay gusto na siyang gawing artista ni Boss Vic.

“He (Boss Vic) watched me perform at one of my dad’s mall show. He was on a mall tour for his album at the time under Viva Records.

“Tapos inabutan po niya po ng note ‘yung dad ko nu’n. As in papel po. Tapos nakasulat, ‘Give her to me, I’ll make her a star,'” kuwento pa ng dalaga.

Abot-langit ang pasasalamat ni Jayda kay Boss Vic dahil talagang hinintay daw siya nito kung kailan siya magiging ready para sa showbiz.

The post Jayda Avanzado bilang next Sarah Geronimo: Nape-pressure po ako!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments