Dustin Yu sa relasyon nila ni Bianca: Pinatutunayan ko pa sarili ko sa kanya
SUMUSUMPA ang Kapuso actor na si Dustin Yu na wala pa talagang label ang relasyon nila ngayon ng aktres na si Bianca de Vera.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang binata after ng grand presscon ng latest movie niyang “Almost Us” under Regal Entertainment and Project 8 Projects Productions.
Kasama niya rito ang lead stars na sina JM Ibarra at Fyang Smith.
Dito muling kinulit si Dustin tungkol sa real score sa kanila ni Bianca dahil ang feeling ng mga fans ay magdyowa na talaga sila in real life.
Pahayag ni Dustin, “Paglabas ko ng Bahay ni Kuya, una kong nakatrabaho talaga is si Bianca. I remember music video pa iyon. Una ko talaga siyang nakatrabaho.
“Tapos from that, tuluy-tuloy na. Na parang sunud-sunod yung mga projects namin together. Sa work, lagi kaming magkasama. Lock-in, magkasama kami,” sey ng dating “PBB Celebrity Collab Edition” housemate.
Pagpapatuloy niya, “Tapos siyempre outside work, yung relationship, friendship namin kumbaga, magkasama pa rin.”
Inamin ni Dustin na sa shooting daw ng “Almost Us”, naaalala raw niya si Bianca lalo na kapag nakakaeksena niya si Fyang dahil nasanay na nga siya na laging kasama ang aktres.
“Iba, e. I mean, masarap katrabaho si Bianca. So far, siya yung pinakamasayang katrabaho ko,” aniya pa.
Muling tanong kay Dustin, ano na ba talaga ang label ng relasyon nila ni Bianca, “Ang masasabi ko lang, sobrang okay kami. Yung relationship namin na nabuo namin, tuluy-tuloy.
“At nandito pa rin ako. Hindi iyon mawawala, para sa kanya,” saad ng binata.
Hirit pa niya, “Nandoon pa ako sa process na talagang pinapatunayan ko pa iyong sarili ko sa kanya.
“Araw-araw. Hindi ako hihinto hangga’t dumating sa panahon na you know, getting there,” ang pag-amin ni Dustin.
The post Dustin Yu sa relasyon nila ni Bianca: Pinatutunayan ko pa sarili ko sa kanya appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments