Responsive Ad

Kim Atienza: Matibay ang bata ngayon pero ang attack sa utak nila marami

Kim Atienza: Matibay ang bata ngayon pero ang attack sa utak nila marami
Robin Padilla, Emman Atienza at Kim Atienza

NANINDIGAN ang Kapuso TV host at Trivia Master na si Kim Atienza na hindi totoong mahina ang henerasyon ng mga kabataan ngayon. 

Marami ang nagsasabi na madaling sumuko at panghinaan ng loob ang mga kabataan ngayon kaya bumibigay agad kapag inatake ng depresyon.

Pero naniniwala si Kuya Kim na hindi ito totoo dahil halos pareho lamang ang henerasyon noon kung ikukumpara sa mga kabataan ngayon.

“Not true. Hindi mahina ang kabataan ngayon. Ang kabataan ngayon, pareho ng kabataan noon. Pero maraming mga factors na… ang utak ng kabataan ngayon, that can kill them,” simulang pagbabahagi ni Kuya Kim sa isang panayam.

Patuloy niya, “Kung kaming boomers, binigyan mo kami ng internet nu’ng panahon namin, binigyan mo kami ng social media nu’ng panahon namin, binigyan mo kami ng information superhighway nu’ng panahon namin, baka mas maraming nagpakamatay noon.

“Matibay ang bata ngayon. Pero ang attack sa utak ng bata ngayon, marami. You cannot compare,” esplika pa niya.

Kung matatandaan, mismong si Sen. Robin Padilla na ang nagsabi na “weak” ang mga kabataan sa panahon ngayon dahil sa epekto ng sobrang paggamit ng internet at social media.

Sey ni Kuya Kim sa naturang interview, “That’s why I called nga Robin. Kaibigan ko si Robin. That’s why I told him, it’s not as simple. Because it’s not.

“Hindi question ang kahinaan ng utak. Question ang ano ba ang mundo ngayon, ano ba ang mundo noon? Iba, e. You cannot compare.

“For instance, tayo, we learned how to deal with boredom, di ba? And I became a better person because I was bored.

“Example, I would take public (transportation) to UP. Ang public ko is about one hour and 15 minutes, a Love Bus. Sosyal ako nang konti, naka-Love Bus ako. Naka-aircon.

“Bababa ako ng kotse ko sa Rustan’s Makati, sasakay ako ng Love Bus doon. Isang oras iyon papuntang UP. Walang magawa sa bus.

“Pag nagbabasa ako ng libro ko, nahihilo ako dahil umaandar yung bus. Ano ang gagawin ko rito Natuto akong ipikit ang mata ko, hindi ako natutulog, iniisip ko yung crush ko. Nagde-daydreaming.

“May nasabi yung crush ko nu’ng isang araw. ‘Siguro, gusto niya ako.’ Ang sarap! Paulit-ulit yun sa utak ko. Ang dami kong mga scenario.

“Nag-iisip ako, pagka-graduate ko ng Film, mag-aartista ako. Pag naging artista ako, ito ang gagawin ko. Pagdating ko sa UP, nalibang ako. Natuto tayo dahil bored tayo, e. Walang ganu’n ngayon ang bata, e.

“Ngayon kasi, cellphone agad, e. Wala sila nu’ng quality na ganu’n, na meron tayo.

“Ito naman ang dilemma ng parents. ‘Tatanggalan ko ba ng cellphone yung anak ko?’ Lalong magpapakamatay yan. Social life nila yan, e. Nandiyan lahat ng kaibigan nila, e. Ang buhay nila, nandiyan.

“Hindi mo puwedeng tanggalin yan. At kapag hindi pinagamit ng cellphone ang bata, lalaki silang walang alam sa tech. Hindi papasa ng eskuwela yan,” ang paliwanag ni Kuya Kim. “Balanse. Dapat, balanse.”

Nakausap daw niya si Sen. Robin, “Tinawagan ako ni Robin. Sabi niya, ‘Kim, kaya ko nga sinabi yan para to defend Emman (anak ni Kuya Kim).’

“Tinawagan ko si Mariel (Rodriguez, misis ni Robin). Sabi ko, ‘Ma, parang pangit ang nangyari. Parang naglalaban kami ni Robin.’

“In all respect, gusto ko lang sabihin kay Robin na it’s not simple, ganu’n lang yon. Pinasabi ni Robin kay Mariel, sabi niya, ‘Kaya ko nga sinabi iyon sa Senate hearing, in defense of Emman, e. Dahil ipinagtatanggol ko si Emman.’

“So, iba lang ang pagkasabi. Robin is always coming from a good place. Kilala ko yan, e. Laging galing sa prinsipyo lagi ang ipinaglalaban,” esplika ni Kuya Kim.

Pumanaw ang 19-anyos na anak ni Kuya Kim na si Emman Atienza, noong October 22, 2025, dahil sa depression.

“Dahil sa pinagdaanan ng pamilya namin, alam ko na. Ang wish ko nga, sana arte lang. Most parents think kasi, ‘Umaarte lang yung anak ko.’ Sana nga! Sana nga, umarte lang si Emman.

“At the back of my head, habang may sakit ang anak ko, sinasabi ko yon. ‘Arte lang yata ito.’ Sana nga, arte lang. Alam natin na hindi lang arte, huli na ang lahat,” aniya.

The post Kim Atienza: Matibay ang bata ngayon pero ang attack sa utak nila marami appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments