Responsive Ad

Maymay Entrata, Donny Pangilinan naka-‘unfollow’ na sa isa’t isa sa IG, anyare?

Maymay Entrata, Donny Pangilinan naka-‘unfollow’ na sa isa’t isa sa IG, anyare?
Maymay Entrata, Donny Pangilinan

MARAMI ang nagulat sa biglaang pag-unfollow sa isa’t isa nina Maymay Entrata at Donny Pangilinan!

Na-check na rin ng BANDERA ang napansin ng eagle-eyed netizens at very true nga na wala sila sa following list ng kanilang Instagram pages. 

Dahil dito, kaliwa’t kanan ang hula sa social media, lalo na’t kakatapos lang ng pinagtambalan nilang serye na “Roja.”

May mga fans na na-shookt sa nangyari dahil inakala nilang mas lalo pang magiging close ang dalawa dahil sa pinagsamahang recent project.

Baka Bet Mo: Maymay Entrata: Deserve ko ang pagmamahal na hindi pilit, hindi kulang

May ilan pang nagsabi na baka nagselos daw ang solid supporters ni Donny na fans ng tambalan nila ni Belle Mariano o DonBelle, pero mukhang malabo ito dahil nung tininingnan namin ang IG ng dalawang akres ay naka-follow pa sila sa isa’t isa.

At ang isa pang nagpapainit sa isyu ay ‘yung kumakalat na chikang baka pinagseselosan ng boyfriend ni Maymay na si Joaquin Enriquez si Donny kaya nauwi umano sa pag-unfollow ang aktres. 

Sa ngayon, wala pang pahayag o paliwanag ang magkabilang kampo, kaya malilikot pa ang imahinasyon ng netizens sa isyu.

At para sa mga hindi aware, ang “Roja” ang huling proyekto nina Maymay at Donny kung saan unang nasilayan ang kanilang tambalan. 

Sa kwento, ginagampanan ni Donny ang karakter ni Liam, isang head chef na hindi lang mahusay sa kusina kundi marunong ding makipagbakbakan. 

Katapat niya si Olsen na ginagampanan ni Kyle Echarri, isang matapang na miyembro ng security team ng resort. 

Dating mag-best friend ang dalawa pero nauwi sa matinding alitan at pagiging magkaribal.

Kasama rin sa serye si Maymay bilang si Luna, best friend ni Liam at bahagi ng culinary staff.

Umiikot ang matinding banggaan nina Liam at Olsen sa isang mabigat na lihim: nadurog ang puso ni Liam nang matuklasan niyang may kabit ang kanyang ama (ginagampanan ni Raymond Bagatsing) na karakter ni Yassi Pressman at mas masakit, matagal na palang alam ito at kinunsinti ni Olsen.

The post Maymay Entrata, Donny Pangilinan naka-‘unfollow’ na sa isa’t isa sa IG, anyare? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments