Mark Herras: Yung mga tao mahilig manghimasok sa buhay ng may buhay
MARIING itinanggi ng actor-dancer na si Mark Herras na naghiwalay na sila ng asawang si Nicole Donesa dahil sa ilang marital issues.
Gagawin daw ni Mark ang lahat para mapanatiling buo at solid ang pagsasama nila ng kanyang misis kasama ang dalawa nilang mga anak na sina Corky at Mija.
Aware raw siya na kumalat ang chikang naghiwalay sila ni Nicole nang mag-viral ang kanyang video kung saan makikita siyang umiiyak at tila may mabigat na pinagdaraanan.
Inamin ni Mark na inatake siya that time ng depresyon matapos silang mag-away ni Nicole. At isa raw sa paraan para magpalamig at hindi na lumala ang away nila ay ang pag-alis niya ng bahay o pag-iwas sa social media.
“So, ‘pag nag-aaway nga kami, so kailangan kong umalis ng bahay, hindi kami para magrambulan o magsagutan. E, ‘pag umalis ako ng bahay, ‘Ano?’ Ganoon pa rin eh, tuloy-tuloy pa rin ‘yung mga…
“So, paano kayo makakapag-relax o paano mawawala ‘yung away, ‘yung init ng away kung nag-usap pa rin kayo, binubungangaan ka pa rin through text.
“So ako, ‘Block muna kita,’” natawang sey ni Mark sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda”. “So peace of mind, parang okay, katahimikan muna.”
Muli raw nilang ipa-follow ang isa’t isa kapag nagkasundo na sila, “Minsan, nasa bahay na ako for like a week, okay na kami, hindi ko pa rin siya ina-unblock.”
Kasunod nga nito ang paglilinaw ni Mark sa balitang naghiwalay sila ni Nicole, “Malaking factor sa amin ni Nicole ‘yun eh, na buo ‘yung pamilya para sa mga bata, Tito Boy.
“And having those kids, wala akong laban diyan. Lalo sa bunso, panganay at bunso actually. So, kung nasaan sila, nandu’n ako,” ani Mark.
Paliwanag pa ni Mark, walang konek sa pera o trabaho ang kanyang breakdown sa kanyang viral crying video.
“So, it’s a personal issue na kailangan ko siyang gawin, kailangan ko siyang (i-post ang video), just to vent out,” ayon sa Kapuso actor.
Pero kinuwestiyon daw ito ni Nicole, “Sabi pa nga ni Nicole, ‘Why do you need to post that? Do you want sympathy from people?’
“‘I don’t, I don’t want to get sympathy from people,’ sabi ko. ‘Kilala mo ko,’ sabi ko, ‘Ang tagal ko na sa industriya, hindi ako humingi ng ganiyan sa tao.’
“Kailangan ko lang mag-vent out, para hindi ako ma-loss, hindi ako sumabog,” aniya pa.
Samantala, sinagot din ni Mark ang mga comments ng netizens tungkol sa viral crying video kung saan marami ang nagsabi na nag-breakdown siya dahil wala na siyang trabaho.
“Kasi, ang dating sa mga kapwa ko artista, parang nagbe-beg ako for work or parang wala akong pera, wala akong trabaho, parang ganu’n.
“Mali ‘yung nagiging dating sa tao eh, sa co-actors ko. Parang, I mean, napapahiya ako sa kanila. Parang… ano, naghahanap ba ako ng trabaho? Hindi naman ako naghahanap ng trabaho eh. I have work, Tito Boy, noong time na ‘yan. And until now,” esplika pa niya.
Mainit na raw ang ulo niya nu’ng time na binengga niya ang mga bashers, “‘Personal pala eh, bakit mo pa pino-post?’ Eh, social media ko ‘yan eh. Pinapakialaman niyo?
“’Yung mga tao kasi mahilig silang manghimasok sa buhay ng may buhay. Wala naman silang karapatan,” saad pa ni Mark.
The post Mark Herras: Yung mga tao mahilig manghimasok sa buhay ng may buhay appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments