Janella Salvador sa relasyon nila ni Klea: Kailangan bang i-label? Obvious!
PARA sa Kapamilya actress na si Janella Salvador, hindi na kailangang ipangalandakan sa publiko kung anong label ng relasyon nila ni Klea Pineda.
In fairness, parehong glowing at blooming ang dalawang aktres, patunay na lamang na maligayang-maligaya sila sa piling ng isa’t isa.
Sa isang panayam, sinabi ni Janella na super happy siya ngayon sa estado ng kanyang personal life kaya naman ibinabahagi niya ito sa social media.
“Di naman ako ever, tinago. I just really choose what to share. And if there is something that truly makes me happy that I really want to share, I choose to share it.
“So, yun lang yung naging basis,” ang paliwanag ni Janella sa naturang interview.
Kasunod nito, natanong nga sa aktres ang tungkol sa relasyon nila ni Klea, “Kailangan bang i-label? Obvious naman kung anong meron. Obvious.”
Feeling ng aktres, hindi na niya kailangang umamin o magpaliwanag hinggil sa kung anumang meron sila ng Kapuso actress.
“Siguro it’s not… it’s not very easy for a young girl in the industry, especially in the Philippines, which is a very conservative country to grow up in an industry like that.
“So it took a lot of ups and downs and maturity to be able to just realize that I can live my life, express myself freely.
“Just as long as I’m not hurting anyone, there’s nothing wrong with that. And if I’ve been happy recently, why not share it?” esplika ni Janella.
Kung iisa-isahin ang mga post ng dalawang aktres sa social media, parang hindi na nga nila kailangang magsalita kung magdyowa na sila o hindi pa dahil very obvious namang may namamagitan na talaga sa kanila.
The post Janella Salvador sa relasyon nila ni Klea: Kailangan bang i-label? Obvious! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments