Marcos nanawagan ng ‘faith, humility, compassion’ ngayong Biyernes Santo
SA gitna ng taimtim na paggunita ng Good Friday, nagbigay ng makabuluhang mensahe si Pangulong Bongbong Marcos sa mga mananampalataya.
Sa kanyang social media post, hinihikayat niya ang lahat na pairalin ang mas matibay na pananampalataya, kababaang-loob, at malasakit sa kapwa.
Bukod diyan, nakiisa rin ang pangulo sa mga Kristiyano sa pag-alala sa pagpapako sa krus at pagkamatay ni Jesus Christ sa Kalbaryo, na isang sakripisyong patuloy na nagbibigay inspirasyon sa milyon-milyong deboto sa buong mundo.
“Today, we stand before the Cross. In silence, in reflection, in gratitude,” bungad ni Pangulong Marcos.
Baka Bet Mo: Pangulong Bongbong Marcos sa Ilocos Norte ang Holy Week break
“For in it, we see a love that did not turn away from suffering, but chose to embrace it for each one of us. May this day call us to live with greater faith, humility and compassion,” dagdag pa niya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FBongbongMarcos%2Fposts%2Fpfbid0f1pfH3XE6fWU5jCTmZpe3E1xhPVqGYkd4t8yMjBvnR6GpGnrensjxcxwdQvy5faRl&show_text=true&width=500" width="500" height="653" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Ang Good Friday ay sumisimbolo sa matinding paghihirap at sakripisyong inalay ni Jesus Christ para sa kasalanan ng sangkatauhan.
Tinawag itong “Good” dahil sa paniniwalang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay nagkamit ng kaligtasan at pagtubos ang tao, isang paalala ng pag-ibig na walang kapantay.
The post Marcos nanawagan ng ‘faith, humility, compassion’ ngayong Biyernes Santo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments