Responsive Ad

Angelica Panganiban payag mag-artista si Amila Sabine pero may kundisyon

Angelica Panganiban payag mag-artista si Amila Sabine pero may kundisyon
Angelica Panganiban, Gregg Homan at Amila Sabine

OKAY kay Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na mag-showbiz ang anak na si Amila Sabine o Bean – sa isang kundisyon.

Sa pakikipagchikahan ni Angelica sa kanyang kaibigan na si Heart Evangelista na ipinalabas sa reality show na “Heart World” ay napag-usapan ang anak nila ng asawang si Gregg Homan.

Six years old si Angelica nang pasukin niya ang mundo ng showbiz hanggang sa makilala bilang mahusay na dramatic actress sa telebisyon at pelikula.

Sa ngayon ay three years old na ang anak nila ni Gregg na si Amila Sabine at proud na proud ang aktres sa pagsasabing isa talaga siyang hands on mommy.

Simulang kuwento ni Angelica kay Heart na kung tawagin niya ay “Pal”, marami raw siyang nakitang green flags sa relationship nila ni Gregg na hindi niya naramdaman sa kanyang nga ex boyfriend.

“Automatic yung tiwala ko sa kanya, Pal. Automatic yung pakiramdam na safe ako sa kanya,” ani Angge.

When it comes naman sa pagiging nanay, lahat ng may natutunan niya sa life noon ay nagagamit niya sa pagpapalaki kay Bean.

“Feeling ko kasi ngayon, may opportunity ka na gawin kung ano yung natutunan mo doon sa na-experience ko bilang anak, and then to rewrite kung ano yung mga ayaw mo. 

“And na-realize ko, meron ka lang one chance pala talaga. Meron ka pang one chance para gawin yun nang tama, so kailangan mong galingan,” pahayag ni Angelica.

Sa tanong kung cool mom ba siya o strict mom, “Well, nasa cool ako. Si Gregg yung nagdi-discipline.”

“May route kasi akong laging pinupuntahan. Usong-uso yan ngayon yung gentle parenting. 

“So lagi akong kaya ‘to e, kaya na hindi ako kailangan mag-raise ng voice ko na hindi ko siya sisigawan but, of course, may mga times na you have to… yung kapag in danger talaga. Maloloka ka na lang,” aniya.

At sa question kung payag ba siyang pasukin din ng anak ang showbiz, “Ang gusto ko hindi dito sa Pilipinas, so kung gusto mo talaga, tara mag-London tayo. 

“Du’n kita pag-aaralin, du’n ka mag-explore. Ayaw kitang makita sa tabloid bukas dahil may ganito kang ginawa kagabi. Kung maibabalita ka, British tayo. Mas British news tayo,” sey ni Angelica.

The post Angelica Panganiban payag mag-artista si Amila Sabine pero may kundisyon appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments