Dennis Trillo nagulantang sa presyo ng gas: ‘P10,000 na pala full tank?!’
KAHIT ang award-winning actor na si Dennis Trillo, umaray sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ng aktor ang kanyang naging reaksyon matapos magpa-gas.
“10k na pala magpa-full tank ngayon? Whew..Sana temporary lang ito,” caption niya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fdennistrilloph%2Fposts%2Fpfbid02vUYc1vkXWUeQF3EJP2QjZ99QMDvUsuQ7usQMEfQCE54ukSm2Vrkfv7m4VrMpBo4Ml&show_text=true&width=500" width="500" height="474" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Baka Bet Mo: Dennis Trillo binarag epal na basher: E, ano naman kung bading? May problema?
Sa comment section, maraming fans at netizens ang sumagot sa kanya at relate na relate sa nararamdaman ni Dennis.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Kahit isang Dennis Trillo umaaray din. What more ‘yung mga nasa laylayan [sad face emoji].”
“Kaya 20 pesos na lang nauuwi ng mga driver. Minsan wala pa. Kawawang mga Pinoy. Wala sa atin ‘yung giyera pero parang tayo ang hinambalos.”
“Grabe dinaig pa ng Pinas ‘yung mga bansang mas malapit sa bansang meron giyera.”
“Kung P10,000 paano pa kaya ‘yung mga ordinaryong tao hindi gaano kalakihan ang kita [sad face emoji] saklap.”
“Kaya nga grabe ‘yung dating less than P5,000 double na. Sana nga matapos na ang war [prayong hands emoji] peace na lang sila para masaya.”
Magugunitang ilang linggo na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo dahil sa paggalaw sa global oil market sa gitna ng tensyon sa Middle East.
The post Dennis Trillo nagulantang sa presyo ng gas: ‘P10,000 na pala full tank?!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments