Magaling na female singer tsugi sa raket, produ naloka sa hininging kundisyon
KAYA pala hindi na laging kinukuha ngayon ang magaling na female singer sa mga out of town shows o sa ibang bansa ay dahil lagi raw itong may kundisyon sa mga promoter at booker.Tsika ng nakausap naming promoter, gustung-gusto ng sikat na show producer ang magaling na female singer dahil ito ang request ng kanyang mga kababayan pero muntik mahulog sa kinauupuan niya ang kausap ng female singer.
“E, mantakin mo, si ____ (female singer) ilang milyones ang talent fee, ilang kanta lang, so okay na rin, pero nu’ng dapat daw isama ang dyowa niya, na akala naman ng promoter ay kasama sa milyones na TF, e, hiwalay pa pala at take note, almost a million ang TF na dalawang kanta lang.
“Shocked sina promoter at producer, imagine ilang kanta na nga lang si ____ (female singer) tapos itong dyowa halos ganu’n din ang presyo. Sa irita hindi na lang sila kinuha pareho,” kuwento ng aming source.
Ang ipinalit daw ay ang magaling at sikat na female singer din na abot din ng milyones ang talent fee pero buong show na ‘yun, good for 45 minutes na may 10 kanta.
“Ang layo ng pagkakaiba, di ba? Hindi na nga gaanong visible si ____ (female singer na mahal ang TF) tapos ganu’n pa ang asking TF ng manager niya?
“Kung ikukumpara mo sa nakuhang mahusay na singer din na kaliwa’t kanan ang shows at guestings ngayon plus may out of the country shows pa,” katwiran ng aming source.
Ang ikinakatwiran ng manager ng magaling na female singer ay na-establish na nito ang pangalan niya sa industriya kaya may karapatan na itong maningil ng malaki pero sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa ay nagtitipid na ang lahat kaya kung saan sila makakamura ay doon na sila.
Dapat kasi itong mga manager ng artists ay magbaba rin ng talent fee ng kanilang mga alaga para makakuha pa rin ng raket o show.
The post Magaling na female singer tsugi sa raket, produ naloka sa hininging kundisyon appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments