Responsive Ad

Robin Padilla ibinebenta na ang pag-aaring Museo de Padilla, bakit kaya?! 

Robin Padilla ibinebenta na ang pag-aaring Museo de Padilla, bakit kaya?! 
Robin Padilla

IN-ANNOUNCE ni Sen. Robin Padilla na “for sale” na ang pag-aari niyang Museo de Padilla na matatagpuan sa Quezon City.

Sa kanyang Facebook page, nag-post ang action star ng video kung saan binigyan niya ng tour ang mga netizens sa iba’t ibang bahagi ng Museo de Padilla.

“Malugod ko po na inaalok ang Museo de Padilla sa sinoman na interesado na bumili nito,” ang simulang pahayag ng aktor at senador.

May four-bedroom apartment ang naturang property, bukod pa sa dalawang studio-type apartment, at ang mismong main house na may anim na kuwarto.

Bukod dito, meron ding music room ang museo, conference hall, main kitchen, tatlong ballroom, at isang meeting hall.

May tradisyonal na arkitekturang Pinoy ang nasabing museo na may kasamang Spanish motifs. 

Karaniwang ginaganap sa Museo de Padilla ang mga pagdiriwang tulad ng binyag, kasal at iba pang okasyon. 

Mababasa sa description ng Museo De Padilla sa official social media page nito, “It provides guests with a “unique taste of pre-colonial Filipino-Spanish palette and boasts a maze-like layout that you can wander and get lost in awe.

“It was once a home for the Padilla clan. Now, as an ancestral house and events venue, it welcomes individuals, partners, and colleagues to hold their historical event for history itself.”

Wala namang sinabing dahilan si Sen. Padilla kung bakit niya ipinagbebenta ang museo. Para sa mga interesadong bumili, makipag-ugnayan sa eavcalendars@gmail.com.

The post Robin Padilla ibinebenta na ang pag-aaring Museo de Padilla, bakit kaya?!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments