Kim Chiu hugot na hugot: Kahit ano ang ibato sa akin lumalakas ako!
PURO pasasalamat ang binitiwang salita ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa 36th birthday celebration niya sa “It’s Showtime.”
Hindi napigilan ng dalaga ang mapaluha nang magbigay siya ng mensahe pagkatapos niyang mag-sing and dance sa programa with her version of “Flashlight.”
After ng kanyang production number, hiningan si Kim ng kanyang co-host sa “It’s Showtime” na si Karylle ng message at kung anp ang kanyang birthday wish.
“My ultimate birthday wish is ultimate happiness,” ang emosyonal na tugon ng aktres.
Aniya pa, “I’m so happy and I’m so grateful dahil everyday binibigyan niyo ako ng chance to redeem myself and to be better in front of madlang people.
“Kahit ano ang ibato sa akin lumalakas ako. Wala talagang perfect pero binibigyan niyo ako ng paulit-ulit na pagkakataon.
“Sa ABS-CBN, sa ‘Showtime,’ sa lahat ng mga nagtitiwala at nagmamahal sa akin though hindi ako super galing in everything I do, pero paulit-ulit nila akong sinusuportahan.
“Kaya I reach my ultimate happiness because of you,” ang pahayag pa ni Kimmy.
Siyempre, pinasalamatan din ng aktres ang mga bossing niya sa ABS-CBN at Star Magic, kabilang na ang kanyang “It’s Showtime,” at Dreamscape Entertainment families.
Samantala, sa isa niyang social media post, nabanggit ni Kim na ngayong 2026, mas pipiliin niya ang “courage over fear, growth over comfort, and gratitude over everything.”
The post Kim Chiu hugot na hugot: Kahit ano ang ibato sa akin lumalakas ako! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
(@chinitaprincess)
Post a Comment
0 Comments