Responsive Ad

Kiko Estrada proud apo ni Paquito Diaz: Para sa akin, my lolo is my hero!

Kiko Estrada proud apo ni Paquito Diaz: Para sa akin, my lolo is my hero!
Paquito Diaz at Kiko Estrada

BUWIS-BUHAY ang halos lahat ng maaaksyong eksenang ginawa ng Kapatid Action Prince na si Kiko Estrada sa “Carlo J Caparas’ Totoy Bato.”

Sa katunayan, ilang beses nasugatan at nagkaroon ng injury si Kiko habang nagte-taping para sa kanyang mga action scenes at mga delikadong stunts sa “Totoy Bato” ng TV5.

Pero ayon sa aktor, worth it ang lahat ng pagod at sakripisyo niya, ng kanyang mga co-stars at ng buong production dahil sa ganda at kalidad na kinalabasan ng kanilang teleserye.

“Maraming injuries, wala naman grabe but yeah, a little bit of pain here and there,” ang pahayag ni Kiko sa naganap na finale mediacon ng “Totoy Bato.”

“It’s a huge blessing that I’m surrounded by a team that is as passionate about this project as I am. 

“Credit goes to our director Albert Langitan and the rest of the production team for guiding us all magnificently,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Ako, personally, I appreciate that they push us hard. Very collaborative si direk, and I think that’s for the best kasi in the end, what we came up with is something that we could all be proud of.”

Proud na proud si Kiko sa lahat ng mga nakasama niya sa serye, lalo na ang major-major kontrabida sa kuwento na si Diego Loyzaga.

“Bilib ako sa buong cast, grabe. Hindi mabubuo ang ganitong klaseng proyekto if not for their dedication to their craft. I salute them. Lalo na si Diego who really brought out the best in me pagdating sa fight scenes,” sabi pa ni Totoy Bato.

Halos lahat ay nagsasabing talagang namana ni Kiko ang husay ng kanyang mga kapamilya pagdating sa aktinan.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Kiko ay anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz, at uncle naman niya ang action star ding si Joko Diaz.

Bukod diyan, lolo rin niya ang isa sa Philippine cinema’s most iconic screen villain na si Paquito Diaz.

Ani Kiko about his Lolo Paquito, “For most, my lolo is the bad guy in films… pero sa akin, my lolo is my hero. He is the biggest reason why I push myself hard.”

Samantala, handa na ang nagbabagang pasabog sa finale week ng tinutukang primetime action series na “Totoy Bato” matapos ang halos isang taong pamamayagpag nito sa TodoMax Primetime Singko ng TV5. 

Sa huling linggo nito, matutunghayan ang pinakamainit na labanan hanggang sa pagtatapos ng serye sa April 24.  

Abangan si Totoy Bato, Kiko Estrada sa seryeng nagbigay ng bagong mukha sa iconic na karakter na nilikha ni Carlo J. Caparas at unang binigyang buhay ni Fernando Poe. Jr. 

Maaasahan ang mas matitinding rebelasyon sa mundo ng Pook Paraiso matapos ang pagkamatay ni Don Silvio Castillo (Mon Confiado). Dito na rin tuluyang aangat sa kapangyarihan si Dwayne Perez (Diego Loyzaga), na mas lalo pang magpapalawak ng kanyang kontrol sa pamilya Castillo. 

Habang tumitindi ang tensyon, iisa ang tanong ng manonood: sino ang mananaig sa huling salpukan nina Totoy at Dwayne?

Kasama nina Kiko at Diego sa powerhouse cast ng “Totoy Bato” sina Eula Valdes bilang Ruby Perez, Claudine Barretto bilang Diamond Labrador, Cindy Miranda bilang Amber Castillo, Mon Confiado bilang Don Silvio Castillo, Mark Anthony Fernandez bilang Stanley Rocco, Gold Aceron bilang Onyx, Billy Villeta bilang Dustin, Andrew Muhlach bilang Jett, Christine Bermas bilang Amethyst at  Sapphire, at si Angelica Hart bilang Pierra.

“The success of Totoy Bato is a testament to the incredible passion of the production team and the stellar performances of the entire cast. 

“We thank everyone who poured their hearts out to bring this story to life. It was their dedication that turned every episode into a memorable journey that we all shared with the audience,” ang pahayag ng Presidente ng TV5 na si Guido R. Zaballero. 

Huwag palampasin ang mas pinatinding pakikipag-matigasan ng lakas para sa katarungan ni Totoy Bato sa natitirang huling linggo. 

Mapapanood ito gabi-gabi, 8 p.m., pagkatapos ng “Frontline Pilipinas” sa TodoMax Primetime Singko ng TV5, with simulcast sa ONE PH. 

The post Kiko Estrada proud apo ni Paquito Diaz: Para sa akin, my lolo is my hero! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments