Joaquin Arce nais gawing advocacy ang pagiging bingi: And I embrace it
IN-EMBRACE na ng Star Magic artist at former “Pinoy Big Brother: Collab 2.0” housemate na si Joaquin Arce ang pagiging deaf o bingi.
Nagpapasalamat nga siya nang bonggang-bongga sa “PBB” dahil doon siya natuto ng Filipino Sign Language (FSL) matapos niyang aminin na bingi ang kanyang kanang tenga.
“Deaf people and the deaf community have a special place in my heart because I, too, am deaf in my right ear,” ang pahayag ng anak ng film producer na si Neil Arce at stepson ni Angel Locsin sa panayam ng “Oh My Gan.”
Nang ipanganak daw siya ay hindi na nakakarinig ang right ear niya ngunit nadiskubre lamang ito ng kanyang mga magulang noong four years old na siya.
“Since I was born, bingi ako sa kanan kong tenga. Nalaman lang ng magulang ko nu’ng napansin nila na lagi akong lumilingon kapag nandito sila,” aniya.
“Unfixable” na raw ang kanyang hearing condition pero tanggap na raw niya ito kaya hindi na rin siya gumagamit ng hearing aids.
“And honestly, I embrace my impairment, if I would even call it that,” saad ng binata.
Patuloy pa niya, “You asked me a while ago, what makes me unique? And what makes me unique is me. And part of me is this. And I embrace it. And I like it.”
Nagagawa pa nga raw niyang gawing joke ang kanyang kondisyon with his friends, “It’s not really a sensitive topic to me. I embrace it as well.”
Bukod kay Joaquin, natuto rin ng FLS ang mga kapwa niya housemates. Para sa binata, hindi lang bagong language ang natutunan niya kundi pati na ang magkaroon ng solid connection sa deaf community sa Pilipinas.
Sey pa ni Joaquin, mas okay daw sa kanya ang FSL kesa sa American Sign Language, “Filipino siya. Filipino na sign language. Kasi meron ‘yung ASL, which is like English. ‘Yung FSL, kasi dito ako sa Pilipinas.”
Nais din daw niyang magamit ang kanyang mga nalalaman at karanasan sa pag-join sa charities and advocacy work na may konek sa deaf community.
“I want to get into ‘yung mga charities. And like, I’m actively trying to find a way,” aniya pa.
The post Joaquin Arce nais gawing advocacy ang pagiging bingi: And I embrace it appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments