Responsive Ad

Ryan Agoncillo kung payag magka-leading man si Juday: ‘Subukan mo!’

Ryan Agoncillo kung papayag na magka-leading man si Juday: 'Subukan mo!'
PHOTO: Instagram/@officialjuday

“SUBUKAN niya!”

Ito ang walang kaabog-abog na sagot ni Ryan Agoncillo nang usisain siya ni Matteo Guidicelli tungkol sa posibilidad na magkaroon muli ng leading man si Judy Ann Santos sakaling mabigyan ng proyekto.

Pero agad din itong nilinaw ng TV host-actor at sinabing biro man ang dating, ang totoo raw niyang prinsipyo sa kanilang relasyon ay simple lang: suportahan ang desisyon ng asawa.

“Ako, ‘yun talaga ang sagot ko sa lahat. Bro ako talaga, ang laging sagot ko sa kanya, gawin mo tsaka na natin pag-awayan,” sey ni Ryan kay Matteo.

Baka Bet Mo: Pag-kiss ni Ryan Agoncillo kay Yohan sa lips hindi aprub sa ilang netizens 

Natawa nang malakas si Juday at pabirong sinita ang mister, “Yan tuloy, naguluhan na silang lahat,” sabay paglilinaw na ang madalas sabihin ng kanyang mister ay, “do it, go ahead” at hindi ang, “subukan mo.”

“Sorry. ‘Subukan mo’ pala is the inner monologue in my head,” hirit naman ni Ryan, na lalong nagpakulit sa usapan.

Dagdag pa ni Juday, “Kasi kapag sinabi mong ‘subukan mo’, hindi ko na gagawin!” 

Sa kabila ng kulitan, naging seryoso rin ang tono ni Ryan nang ibahagi ang sikreto ng kanilang matatag na relasyon.

“These are quality women, right? And they know what they’re doing,” paliwanag niya. 

Ayon pa sa kanya, mula pa raw noong umpisa ay hinahayaan na niya si Juday na magdesisyon para sa sarili.

Nabanggit din ni Ryan na mas pinipili niyang magtiwala kaysa magdikta. 

“Let the woman decide, then pag-awayan niyo nalang after,” wika niya. 

Para sa kanya, isa ito sa dahilan kung bakit tumagal ang kanilang pagsasama.

Huling napanood si Juday sa Metro Manila Film Festival entry na “Espantaho,” kung saan nakasama niya si Lorna Tolentino at Mon Confiado, bagamat hindi ito tipikal na love team project.

Sa kasagsagan ng kanyang career, nakasama na ni Juday ang ilan sa pinakasikat na leading men sa industriya kagaya nina Piolo Pascual, Wowie de Guzman, Robin Padilla, at Aga Muhlach.

Kung matatandaan, nagsimula ang love story nina Ryan at Juday bilang magkaibigan hanggang sa nauwi sa seryosong relasyon.

Ikinasal ang dalawa noong 2009 sa isang pribadong seremonya na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya. 

Ngayon, masaya nilang binubuo ang kanilang pamilya kasama ang kanilang mga anak at patuloy na hinahangaan bilang isa sa pinakamatatag na celebrity couples sa industriya.

The post Ryan Agoncillo kung payag magka-leading man si Juday: ‘Subukan mo!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments