Richard Gutierrez type makatrabaho uli si Angel; aprub kina Barbie at Neil
IBA talaga ang iniwang tatak ng premyadong aktres na si Angel Locsin sa entertainment industry.
Kahit kasi apat na taon na siyang hindi aktibo sa showbiz simula 2022 ay marami pa rin ang naghihintay sa kanya na muling mapanood sa teleserye at pelikula.
Isa ang aktor na si Richard Gutierrez sa gusto ulit siyang makatrabaho base sa “Stars of Stars” episode ng Jeepney TV.
Tinanong kasi siya ng kanyang girlfriend na si Barbie Imperial kung sino sa previous leading ladies niya ang gusto niya uling makasama sa project.
Natawa muna si Richard sabay sabing, “Siguro si Angel Locsin. We’re all waiting for her comeback, so, sana pag nag comeback si Angel makagawa kami ng isang project.”
Sobrang sikat ng tambalang ChardGel noong early 2000 dahil sa seryeng “Mulawin” at “I Will Always Love You” ng GMA 7 na talagang pinadapa in terms of ratings game ang lahat ng programang katapat nito noon sa ibang TV network.
Mga bata pa raw noon sina Richard at Angel kaya hindi ito natuloy sa seryosong relasyon pero inamin nilang may mutual understanding sila habang sinu-shoot ang “Mulawin.”
Naputol ang kanilang ChardGel loveteam nang lumipat na si Angel sa ABS-CBN taong 2007 at muling nagkatrabaho ang dalawa taong 2017 sa “La Luna Sangre” same year nang ialok sa aktor ang seryeng kasama sina John Lloyd Cruz, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sang-ayon si Barbie na magkatrabaho ulit ang ChardGel dahil isa pala siya sa humanga sa naturang loveteam.
Aniya, “Yeah, ang daming fans ng ChardGel, actually pati kami ni Neil Arce (asawa ni Angel) kami na lang managers n’yo ni Ate Angel. Everyone is excited for sure for you guys to do (project).”
“Sana one day God will,” sambit ni Richard.
“Yeah, ChardGel (sabay taas ng kanang kamay),” masayang sabi ni Barbie.
Magkaibigan sina Barbie at Neil dahil isa ang aktres sa investor ng Tipsy Pig Gastropub na pag-aari ng hubby ni Angel.
Samantala, aliw ang tanungan nina Richard at Barbie tungkol sa mga personal nilang buhay dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang napanood ang aktor na tumatawa, masaya, nagpapa-cute at kilig-kiligan.
Nakilala kasi ang aktor na masyadong pormal kausap at hindi gaanong makuwento tungkol sa karelasyon niya na di tulad kay Barbie na pati first date nila ay napag-usapan at tinawag nilang Gyoza date night na lagi nilang maaalala lagi.
Ang haba ng episode na umabot mahigit 30 minutos at naaliw kami sa mga pasimpleng bukingan.
Kaya siguro masaya ang aktor dahil si Barbie ay normal person, lumaking hirap sa buhay at ngayon ay unti-unti nang nakakapag-ipon kaya maayos na ang nanay at kapatid niya sa Bicol kung saan pinapatayuan niya ng bahay.
Kumpara kay Richard na lumaking may kaya, hindi nakaranas ng hirap na tulad ng dinanas ni Barbie kaya nang magkilala at magkaroon ng relasyon ang dalawa ay may malaking pagbabago sa aktor.
Nagiging vocal na siya na pati skin care ay natutunan niya sa aktres na rati raw ay wala siyang pakialam kasi nga maganda naman din ang skin niya, pero mas gaganda lalo dahil sa pangangalaga sa kanya ng kanyang girlfriend.
Sa part two ay tungkol sa “Blood vs Duty” na ang topic na talagang nakakatuwa dahil inspired talaga sina Richard at Barbie habang sinu-shoot ito at aminado ang aktres na talagang inaaral niya lahat ang karakter niya para hindi siya mapahiya sa mga kasama niyang pawang magagaling.
The post Richard Gutierrez type makatrabaho uli si Angel; aprub kina Barbie at Neil appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments