Responsive Ad

Jon Lucas ibinandera pagsilang ng 3rd baby, ka-birthday ng yumaong ama

Jon Lucas ibinandera pagsilang ng 3rd baby, ka-birthday ng yumaong ama
Jon Lucas at Baby Calvin

MASAYANG ibinandera ng Kapuso actor at dating Hashtags member na si Jon Lucas na nadagdagan na naman ang miyembro ng kanilang pamilya.

Ibinalita ni Jon sa madlang pipol ang tungkol sa pagdating ng pinakabagong “angel” sa buhay nila ng kanyang wifey na si Shy.

Nag-post ang aktor sa Facebook nitong nagdaang Friday, April 17, at excited ngang ibinalita ang pagsilang ng ikatlo niyang anak.

Actually, matagal na raw niyang nais ibahagi sa publiko ang tungkol sa pagdating sa buhay nila ng kanilang baby.

“Pero sabi ko next time na lang siguro kapag nandito na siya. Kaya hindi ko na rin papatagalin—hey guys, I’d like you to meet my son, CALVIN!” ang caption ni Jon sa kanyang FB post.

Dugtong pa niya, “Pinanganak siya ngayong April 17 at exactly 10 in the morning. Yes po, share ko na rin sa inyo na ka-birthday siya ng aking namayapang Daddy Arturo.

“Kaya sobrang special talaga sa amin ang araw na ito,” ang sabi pa ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” star.

Sabi pa ni Jon, sa pagsilang ni Calvin sa mismong petsa ng kaarawan ng tatay niya ay mas naging espesyal pa ang naturang araw para sa kanilang pamilya dahil buhay na buhay pa rin ang alaala ng kanyang ama. 

“Nagpapasalamat ako sa mga nakasama namin dito sa @jdmhph , lalo na kay Dra. Elissa Teng-Unas na kasama na namin mula pa kina Brycen at Brionna, at ngayon naman kay Calvin. Iba talaga sila mag-alaga dito at marami po ang magpapatunay niyan.

“Higit sa lahat, nagpapasalamat kaming mag-asawa sa Diyos. Kahit mukhang nakakaluwag-luwag dahil sa sigla kong mag-post ng mga show, sa totoo lang, hindi laging may sobra. Ang tanging totoo sa buhay ko ay hindi kami kailanman pinabayaan ng Ama.

“Ilang taon ko nang nararamdaman at pinanghahawakan yung “God will provide.” Kapag kailangan na kailangan ko na, doon ibinubuhos ng Ama ang biyaya. Ang galing nga rin talaga kasi kaya pala si Daron ay nakasama pa natin nang matagal, dahil papunta pala sa mga araw na ito, meron pa siyang mas mahalagang misyon sa mundo ng mga tao.

“Kaya pala kinailangan niyang magtrabaho, dahil may higit pa sa ginto na naghihintay sa kanya. SALAMAT SA INYONG LAHAT IN ADVANCE! Sa Ama ang lahat ng kapurihan!” ang mensahe pa ni Jon.

Ang dalawa pang anak nina Jon at Shy ay sina Brycen at Bria.

The post Jon Lucas ibinandera pagsilang ng 3rd baby, ka-birthday ng yumaong ama appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments