TXT Soobin na-scam ng taxi driver sa Cebu, P300 naging P1,000!
KAHIT ang K-Pop idol na si Choi Soobin ng TOMORROW X TOGETHER, hindi nakaligtas sa scammer!
Naging usap-usapan kasi sa social media ang umano’y hindi magandang karanasan niya kasama ang isang kaibigan matapos ang ilang aberya sa bakasyon sa Pilipinas
At kabilang na riyan ‘yung tila na-scam sila ng isang taxi driver sa Cebu.
Bago pa man makarating sa Pilipinas, mapapanood sa isang vlog na ibinandera sa YouTube channel ng grupo na nagkaaberya na agad ang dalawa matapos mag-book sa maling terminal sa Korea.
Baka Bet Mo: Andi Eigenmann nagbabala sa scammer na ginagamit pangalan niya: Warning!
Pagdating sa isla, doon na naranasan ang isa pang problema, ang umano’y pangingikil ng taxi driver.
Sa video, makikitang nag-book sila ng ride kung saan unang lumabas na P300 lang ang pamasahe sa app, pero nakipagkasundo ang driver na gawing P500.
“Five hundred? But we checked the app, and it’s saying it’s only like 300,” sey ni Soobin na tila naguguluhan.
“It’s because the gas is very expensive,” sagot naman ng driver.
Pero mas lalo pang ikinagulat ng idol nang pagdating nila sa hotel ay biglang humirit ang driver ng P1,000 na bayad.
“Just now, he said 1,000 pesos […] I mean, 500 pesos is already pushing it. And then he raises it to 1,000 pesos,” wika ni Soobin na halatang dismayado, habang nasa sasakyan pa.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/0RJ4pvNRKik?si=XDOeDFRDJuNLQ3vC" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>
Habang naglalakad papasok sa hotel, muling ikinuwento ni Soobin ang nangyari.
“Once we arrived, the driver tried to charge us 1,000 pesos again. But we told him firmly that we were only going to pay 500 pesos. I can’t believe he’d raise the price so suddenly. We agreed on 500 pesos before getting in, but after we arrived at the hotel, he tried to charge us 1,000 pesos,” kwento niya.
Sa kabila nito, pinili na lamang nina Soobin na huwag palakihin ang isyu at mag-move on na lang.
“It’s fine, let’s keep it breezy, because we’re way too tired for this right now,” aniya pa.
Agad namang umani ng reaksyon online ang insidente, lalo na sa mga Cebuano fans na ikinahihiya ang umano’y trato sa idol.
Sa kabila ng pangyayaring ito, na-enjoy pa rin nina Soobin ang kanilang apat na araw sa Cebu kung saan sinubukan nila ang zip-lining, canyoneering, at scuba diving.
The post TXT Soobin na-scam ng taxi driver sa Cebu, P300 naging P1,000! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments