Responsive Ad

2 multo ‘umekstra’ sa eksena ni Sofia Pablo sa ‘Huwag Kang Titingin’ 

2 multo 'umekstra' sa eksena ni Sofia Pablo sa 'Huwag Kang Titingin' 
Sofia Pablo at ang iba pang cast members ng ‘Huwag Lang Titingin’

DALAWANG pinaniniwalaang ligaw na kaluluwa o multo ang nagparamdam sa shooting ng upcoming horror movie na “Huwag Kang Titingin.”

“Umekstra” raw ang mga nabanggit na multo o elemento sa eksena ng isa sa lead star ng pelikula na si Kapuso star Sofia Pablo. 

Sa naganap na grand mediacon ng “Huwag Kang Titingin” kamakailan, naikuwento ni Sofia ang tungkol sa nakakikilabot at makapanindig-balahibong naranasan niya sa shooting. 

“Du’n sa isang ginawa naming eksena sa movie, kinakaladkad ako tapos parang pa-ganoon po ‘yung cam. So, siyempre walang tatayo na crew doon or staff kasi sa taping naman di ba, clear, clear sa set, wala nang tatayo, rolling.

“Noong nagpa-pan ‘yung camera, nag-cut, kasi may dalawang nakatayo. As in kita po talaga sa video,” pahayag ni Sofia.

“And then, may wall po dito, nandito po ‘yung PA ko kasi dito na ako kakaladkarin. And noong nag-cut kasi may dalawang tao raw na nakatayo du’n sa likod ko. As in kita po talaga sa video,” pag-alala ng aktres.

Tinanong pa raw niya ang kanyang personal assistant, “Sabi ko, ‘mama may tao ba doon?’” Sagot daw sa kanya, “Nak, wala talagang nakatayo doon the whole time.”

Pag-amin pa ni Sofia, “Natakot na ako siyempre. Kasi kitang-kita talaga e. Isa pong nakapaa, at isa pong black figure. Tapos parang umatras sila bigla, e, wala na silang aatrasan kasi wall na ‘yon.”

Pero sa kabila raw ng nakakakilabot na pangyayari, hindi naman naapektuhan o na-delay ang kanilang shooting lalo’t masaya lang daw sila lagi sa set.

“Dahil nga ‘yung samahan naming lahat, masaya talaga kami lahat sa set. Siyempre nakatulong ‘yun para mas maging light lang ‘yung vibes and good for the crew.

“Saka hindi na ako nagpadala sa takot. Ginawa ko na lang ‘yung work ko,” dagdag ni Sofia.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Shuvee Etrata, Michael Sager, Charlie Fleming, Anthony Constantino, Kira Balinger, Josh Ford, Marco Masa at marami pang iba.

Showing na ang “Huwag Kang Titingin” sa mga sinehan simula April 15. This is a collaboration project of GMA Pictures and Mentorque Productions, directed by Frasco Mortiz.

The post 2 multo ‘umekstra’ sa eksena ni Sofia Pablo sa ‘Huwag Kang Titingin’  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments