Responsive Ad

Bela Padilla may inamin tungkol kay Gerald Anderson, ano kaya yun!?

Bela Padilla may inamin tungkol kay Gerald Anderson, ano kaya yun!?
Bela Padilla, Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Baron Geisler at Barbie Imperial

PROUD na proud ang Kapamilya actress na si Bela Padilla na nakasama siya sa cast ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na “Blood vs Duty.”

Ang upcoming action-packed drama na mapapanood na simula sa April 6, ay pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Richard Gutierrez with Barbie Imperial.

“Very intelligent ‘yung show. I want to push for intelligent content, especially on mainstream media. Right now, ‘yung three weeks na sinu-shoot namin na script, I could honestly say it’s some of the best scenes I’ve seen on TV,” ang pahayag ni Bela sa Kapamilya Chat x Blood vs Duty Grand Fans Day. 

Excited din si Bela sa unang beses na pagsasama nila ni Gerald sa isang teleserye, “When I heard that Gerald was coming in, it was so exciting na kasi ‘di ko pa nakakatrabaho si Gerald. 

“I wanna see kung ano ‘yung magiging dynamics namin sa set,” aniya kasabay ng patikim sa mga intense na eksena nila ng hunk actor.

Ibang-ibang Bela Padilla raw ang mapapanood ng madlang pipol sa pagganap niya bilang si Lara, na isang intelligence officer sa kuwento.  

“Ang gusto ko kasi sa show na ’to, walang white character, walang black character, lahat gray,” aniya pa. 

Ang “Blood vs Duty” ay mula sa JRB Creative Production, ang siyang nasa likod ng “Darna” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Nag-aapoy na Damdamin” at “Sins of the Father”.

Ito ay idinirek nina FM Reyes, Bjoy Balagtas, at Rico Navarro, kasama ang action director na si Erwin Tagle.  

Mapapanood na ang “Blood vs Duty” sa iWant simula sa April 4, at eere naman sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live (KOL) starting April 6.

The post Bela Padilla may inamin tungkol kay Gerald Anderson, ano kaya yun!? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments