Trulili ba, Klarisse de Guzman buntis!?
USAP-USAPAN sa social media ang chikang nagdadalang-tao raw ngayon si dating “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” housemate Klarisse De Guzman.
May ipinost kasi sa X ang netizen na may handle name na “AltBigLaude” na isang blind item tungkol sa isang aktres na “preggy carter” daw.
“At dahil preggy nga ay postponed ang ginagawang comeback series! Nalulungkot ang buong staff and crew dahil sa development na ito malalagay sa alanganin ang kanilang mga trabaho!!
“Papalitan kaya ang aktres??? Hmmm,” ang mababasa sa naturang post.
Ang hula ng isang X user, “Klarisse De Guzman.”
“Tama si klang to,” ang pagsang-ayon naman ng isa pang netizen.
Kasunod nito, ibinahagi ng Facebook page na Kapamilya Online World ang naturang blind item at tinanong si Klarisse kung siya ba o hindi ang bida sa kuwento.
“OMG!! Mowm Klarisse De Guzman totoo ba ba ‘to? Buntis ka raw!!!” ang caption ng FB post.
Sinagot naman ito agad ng Kapamilya singer-actress, “Not true. Kakabili ko lang ng with wings (sanitary napkin).”
Kung matatandaan, proud na ibinandera ni Klarisse na isa siyang bisexual noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya.
Inamin din niya roon na meron siyang karelasyon na miyembro rin ng LGBTQIA+ community.
The post Trulili ba, Klarisse de Guzman buntis!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments