Responsive Ad

Vivamax star Margaret Diaz, Itan Rosales wild na wild sa remake ng ‘Warat’ 

Vivamax star Margaret Diaz, Itan Rosales wild na wild sa remake ng 'Warat' 
Margaret Diaz at Itan Rosales

IN FAIRNESS, unti-unti nang gumagawa ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz ang VMX (Vivamax) star na si Margaret Diaz.

Hindi na kami magtataka kung isang araw ay siya na ang tanghaling bagong VMX Queen dahil sa pagiging palaban sa hubaran at husay sa aktingan.

Unang nakilala si Margaret, na malaki ang pagkakahawig kina Andrea Brillantes at Lovi Poe, sa remake ng classic sexy film na “Balahibong Pusa” (2001) nina Joyce Jimenez at Jay Manalo. 

At ngayon nga ay isa na namang Joyce Jimenez original film with Jomari Yllana ang iri-remake ni Margaret with VMX hunk na si Itan Rosales, ang “Warat.”

“Masaya ako na nabibigyan ako ng break pero may pressure din siyempre dahil nga naikukumpara ako sa mga bigating pangalan,” sey ni Margaret sa presscon ng “Warat.”

Ang original “Warat” ay idinirek ni Joel Lamangan habang ang bagong version nito ay mula naman sa direksyon ni Christian Paolo Lat. Inilarawan niya ang kanyang obra bilang “Warat Gen Z”.

“We tried to be as faithful as we can to the original, but we updated the language and visuals to make it more appealing to today’s audiences,” ani Direk Christian.

Paglalarawan naman ni Margaret sa kanyang role, “Mahirap kasi magulo talaga ang character ko dito. Maraming emotions ang kailangan kong i-channel sa maraming eksena, pero I think I did a good job naman with the help of my co-star Itan Rosales and our director.”

Siniguro naman ni Itan na ikaka-shock ng manonood ang mga sex scenes sa “Warat” dahil sa iba’t ibang posisyon na ginawa nila, “Wild kung wild!”

Iikot ang kuwento ng “Warat” kay Rica (Margaret) na natutong maging matapang dahil lumaki ito sa kalupitan ng kanyang tiyahin. 

Sexy at maganda, alam niyang maraming lalaki ang may pagnanasa sa kanya, at ginagamit naman niya ito sa paraan na makakatulong sa kanya. Pero sa katunayan ay naghahanap lang rin si Rica ng taong magsasalba sa kanya. 

Si Rex (Itan) ay gumagalaw sa mundo ng mga kriminal, pero wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng kanyang ama na isinisisi sa kanya ng pulis na si Monteiro (Marco Gomez). 

Mariing pinipilit ni Rex na inosente siya pero hindi nakakatulong sa kanyang kaso ang pagsisinungaling ng isang babae (Christy Imperial) na kanyang kalandian.  

Nang magkakilala sina Rica at Rex, agad silang nagkagustuhan. Para kay Rica, si Rex na ang daan para makawala sa kanyang tiyahin. Pero habang tumatagal ay magiging toxic ang kanilang relasyon. 

Lalo niya pang maiisip na mali ang kanilang relasyon ng malaman niya ang isang madilim na sikreto. 

Ipakikita ng “Warat” ang malungkot na katotohanan na minsan ang mga taong inaakala nating magsasalba sa atin ay sila pa ang magdadala sa atin sa mas matinding kapahamakan. 

Sundan ang kwento nina Rica at Rex, at alamin kung may puwang pa ang pag-ibig at paghilom sa landas na kanilang tinatahak. 

Para mapanood ang “Warat” na nagsimula na nitong February 27, mag-subscribe sa web.vivamax.net o i-download ang app via Google Play Store, App Store, or Huawei App Gallery.

The post Vivamax star Margaret Diaz, Itan Rosales wild na wild sa remake ng ‘Warat’  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments