‘Tutok 2gether’ ng Kapamilya Channel sa ALLTV2 may bonggang pasabog

MAS pinasaya ang panonood sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 ng mga primetime shows na “TV Patrol,” “FPJ’s Batang Quiapo,” “Roja,” at “What Lies Beneath”.
Yes! Manonood ka lang ay maaari nang manalo ng libo-libong cash prizes sa kabuuang halagang P2.5 milyon.
Handog ng ABS-CBN ang “Tutok 2gether” promo para sa lahat ng Kapamilya kung saan kinakailangan lamang tumutok sa mga nabanggit na primetime shows ng ABS-CBN sa ALLTV2.
Para makasali sa exciting promo, manood sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 ng alinman sa mga kasalukuyang umeereng programa sa Primetime Bida, mula Lunes hanggang Biyernes, at abangan ang Kapamilya word – Love, Joy, o Hope – na lilitaw sa TV screen.
Pagkatapos, mag-log-in sa joinnow.ph para ipasa ang sagot at kumpletuhin ang registration form para ma-secure ang entry.
Maaaring ma-enjoy ang promo simula Pebrero 16 hanggang Abril 17 kung saan magkakaroon ng 20 daily winners ng P2,000, dalawang weekly winners ng P20,000, at dalawang lucky winners ng P200,000.
Tutukan ang mga nagbabagang balita sa “TV Patrol” tuwing 6:30 p.m., sundan ang maaksyong pakikipaglaban ni Tanggol sa “FPJ’s Batang Quiapo” ng 8 p.m., tunghayan ang mga pasabog na rebelasyon sa “Roja” ng 8:45 p.m., at huwag magpahuli sa paglutas ng mga misteryo sa “What Lies Beneath” ng 9:30 p.m..
Para mahanap ang Kapamilya Channel sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
The post ‘Tutok 2gether’ ng Kapamilya Channel sa ALLTV2 may bonggang pasabog appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments