Video ni De Lima na may dalang maleta, paper bag pang-asar kay VP Sara
PANG-ASAR daw kay Vice President Sara Duterte ang kumalat na video ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila De Lima sa social media.
Iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga netizen nang mapanood nila ang naturang video kung saan makikitang may bitbit na isang maleta at paper bag ang kongresista.
“POV: Ang laman ng maleta at paper bag ni De Lima,” ang nakasulat sa caption ng video.
Suot ang kanyang Filipiniana OOTD, mapapanood sa video clip si De Lima na naglalakad habang hila-hila ang kanyang maleta at may bitbit pang paper bag.
Nang makarating na siya sa kanyang opisina, lumantad ang laman ng maleta – mga dokumento raw na may kaugnayan sa “impeachment.”
Walang nakalagay na pangalan sa naturang dokumento ngunit ang paniniwala ng marami posibleng para raw ito sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa video ni De Lima.
“Pang-asar ba ‘yan kay Inday hahaha!”
“Hahhahahah perfect madam laruin m ang mga dds hahahaha.”
“Unboxing si Madame Atty. Leila de Lima! Now they know po kung anong ‘laman ng maleta’ ninyo.”
“Oh mga dds ayan talaga tunay laman ng maleta at paper bag.”
“Nalaman tuloy ang tunay na laman ng paper bag at maleta hahhahaha!”
Kamakailan lamang ay napasama si De Lima sa mga idinawit ng 18 ex-Marines na umano’y dating nagde-deliver ng male-maletang pera sa mga kilalang personalidad sa gobyerno.
Pero ayon sa representative ng naturang grupp na si Atty. Levito “Levi” Baligod, nagkamali siya sa pagbanggit sa pangalan ni De Lima sa mga umano’y nakatanggap ng male-maletang pera.
Aniya, isang paper bag lang daw umano na naglalaman ng pera ang nakita nilang bitbit ng kongresista paglabas nito sa kanilang townhouse.
The post Video ni De Lima na may dalang maleta, paper bag pang-asar kay VP Sara appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments