Toni Gonzaga unang nakilala si Alessandra sa taping ng Bubble Gang
MATAGAL na palang magkakilala sina Toni Gonzaga at Alessandra de Rossi na unang nagkita sa taping ng longest-running gag show na “Bubble Gang.”
Binalikan ng actress-host kung paano niya nakilala si Alessandra noong panahong nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career.
Sa online talkshow na “Toni Talks” naging special guest sina Alessandra at Empoy Marquez kung saan napag-usapan nga ang naging journey nila sa entertainment industry.
Pagbabalik-tanaw ni Toni, nakikita na niya noon si Alessandra kapag sumasama ito sa kapatid niyang si Assunta de Rossi na isa rin sa mainstay ng “Bubble Gang.”
Chika ni Toni kay Empoy, “Hindi ko nakukuwento sa ‘yo si Alessandra, 14, 13 una ko siyang nakasama sa Bubble Gang, magkakilala kami.”
Pagsingit ni Alessandra, “Walang nagbabantay ng gamit niya si Catherine (Alex Gonzaga).”
Ang tawag pa nga raw ni Toni noon kay Alessandra ay “Cataract” at nang tanungin kung bakit, “Wala lang, mahilig lang ako sa nicknames.”
Pagpapatuloy ni Toni, “Tapos, siya sumasama lang din siya kay Assunta noon sa Bubble Gang.” Sabay tanong niya kay Alessandra ng, “Nag-aartista ka na ba noon?”
Tugon ni Alex, “A little bit, yes. Pero hindi pa full-time, gusto ko mag-aral. ‘Tapos pagdating ko ng 14, ‘mag-aral’, ayaw ko ‘to, mag-aartista ako’ ganu’n.”
Matatandaang nagtambal noon sina Alex at Empoy sa box-office romcom movie na “Kita Kita” na ipinalabas noong 2017.
The post Toni Gonzaga unang nakilala si Alessandra sa taping ng Bubble Gang appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments