Zaijian Jaranilla 'binata' na, present sa family event ng rumored GF na si Gela Atayde

MULI na namang pinag-usapan ng madlang netizens kung ano ba ang namamagitan sa Kapamilya stars na sina Zaijian Jaranilla at Gela Atayde.

Ito ay matapos maispatan ang Kapamilya actor sa intimate event ng mga Atayde kamakailan.

Ibinahagi ng ina ni Gela na si Sylvia Sanchez sa Facebook noong Lunes, Marso 30, ang mga larawan mula sa kanilang anniversary celebration kasama ang kanyang asawa na si Art Atayde kung saan present si Zaijian.

Isa sa mga larawang umagaw ng atensyon ng netizens ay ang kuha kung saan makikitang mahimbing na natutulog ang Kapamilya actor sa sofa habang masayang nagse-selfie si Sanchez kasama siya.

Baka Bet Mo: Zaijian Jaranilla, Gela Atayde magdyowa nga ba?

Ang pagkakakita kay Zaijian sa nasabing okasyon ay kasunod ng mga chikang nasa dating stage sila ni Gela.

Ilang beses na rin silang namataang magkasama sa iba’t ibang pagkakataon. Noong unang bahagi ng buwan, tinanong ang aktor sa isang panayam tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

“Secret,” simple at maikling sagot ni Zaijian.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang dalawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang ugnayan.

Samantala, sa parehong pagtitipon ng pamilya Atayde, nakita rin ang aktor at politiko na si Arjo Atayde kasama ang kanyang asawa na si Maine Mendoza.

Kamakailan lamang ay naging laman sila ng balita matapos masangkot sa mga breakup rumors, kasunod ng hindi pagdalo ng actress-host sa isang naunang family gathering.

Nilinaw naman ng spokesperson ng mag-asawa ang isyu, at sinabing may sakit si Maine kaya hindi siya nakadalo sa nasabing okasyon.

Samantala, sumikat si Zaijian sa kanyang breakthrough role bilang Santino, isang ulilang may natatanging koneksyon kay Hesus, sa teleseryeng “May Bukas Pa” ng ABS-CBN.

The post Zaijian Jaranilla ‘binata’ na, present sa family event ng rumored GF na si Gela Atayde appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed