#SerbisyoBandera: 100-M oral health kits para sa kabataang Pinoy target sa 2035
DAPAT ma-achieve ang 100 million oral health kits para sa mga batang Pinoy!
Ito ang layunin pagsapit ng 2035 bilang isang hakbang upang labanan ang laganap na problema sa kalusugan ng ngipin sa bansa.
Ang paglulunsad ng pangakong ito ay personal na nasaksihan ng BANDERA sa naganap na pagdiriwang para sa ika-100th anniversary ng Colgate-Palmolive Philippines kamakailan lang, kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang sektor mula sa Philippine Dental Association (PDA), Department of Education (DepEd), hanggang sa mga partner sa industriya.
Ayon sa datos ng PDA, pito sa bawat 10 Pinoy o katumbas ng 72% ng populasyon ang dumaranas ng dental caries o pagkabulok ng ngipin.
Baka Bet Mo: Jake Cuenca healthy living na kaya maputi ang ngipin, seryoso sa pagdedemanda
Dahil dito, iginiit ng mga eksperto ang kahalagahan ng mas malawak na access sa serbisyong pangkalusugan at maagang edukasyon ukol sa wastong pangangalaga ng ngipin.
Binigyang-diin din ni DepEd Assistant Secretary Cilette Liboro-Co na mahalagang matugunan ang kabuuang pangangailangan ng bata, kabilang ang oral health, upang maging epektibo ang edukasyon.
“Our goal is clear: no child should have to miss school just because of a toothache,” sey ni Asec. Liboro-Co.
Samantala, pinuri ni PDA President Dr. Lucilo “Jun” Niñal, Jr. ang matagal nang ugnayan ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng dental health sa bansa.
“Together, we have reached Filipinos across the nation from Luzon, Visayas, and Mindanao, through meaningful initiatives with hope, care, and dignity,” sambit ni Dr. Niñal.
Sa gitna ng naturang panawagan, inanunsyo ng nasabing kumpanya ang kanilang layuning doblehin ang naabot na 55 million oral health kits na naipamahagi na sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan hanggang 2025.
Sa susunod na dekada, plano ng kumpanya na palawakin pa ang saklaw ng kanilang programa, katuwang ang iba’t ibang organisasyon at ahensya ng gobyerno.
“If our first century was about building the foundation, our next century must be about deepening our impact. We are pledging to move faster and reach further to double our social impact. This 100 million commitment is more than a number, it is a renewal of our pact with the Filipino people, and our way of honoring the trust built over the last hundred years,” wika ni Angel Qi, Senior Vice President at General Manager ng Colgate-Palmolive Philippines.
Ibinandera rin sa anibersaryo na ang programang “Bright Smiles, Bright Futures (BSBF)” ang nagsisilbing pangunahing inisyatibo sa pagbibigay ng libreng dental check-up at edukasyon sa kalinisan ng bibig para sa mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa huli, iginiit ng mga stakeholder na ang laban kontra dental problems ay hindi lamang responsibilidad ng iisang sektor, kundi kolektibong tungkulin ng buong lipunan para sa mas malusog, mas kumpiyansa, at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Pinoy.
The post #SerbisyoBandera: 100-M oral health kits para sa kabataang Pinoy target sa 2035 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments